
Angel may saya at lungkot ang birthday
NOONG Biyernes, April 23, ay ika-36 birthday ng Kapamilya star and philanthropist na si Angel Locsin. Sa halip na gunitain niya ang espesyal na araw with her loved ones, minabuti ng aktres na ilaan ang araw na ito sa kawanggawa.
Inspired sa ginawa ni Ana Patricia Non na unang nag-organisa ng community pantry sa Maginhawa St., Quezon City, ito’y sinundan at ginaya ng daan-daan pa throughout the country including Kapuso young star Gabbi Garcia in Paranaque City at ni Angel kahapon in Quezon City.
Angel doesn’t have to be in politics to help other people lalung-lalo na `yung mga nangangailangan. True to her name, Angel is an angel to a lot of people dahil sa pagiging busilak ng kanyang puso na minsang pang pinagdudahan ng ibang opisyal ng gobyerno.
Sa oras ng sakuna at iba’t ibang delubyo at kalamidad sa ating bansa, asahan ang agarang pagtulong ni Angel.
Natutuwa ang Kapamilya actress na marami rin tayong mga kababayan ang boluntaryong nagbibigay ng mga donasyon para maipamahagi sa mas nangangailangan laluna ngayong panahon ng pandemya na marami ang nagugutom sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan.
Masaya rin si Angel dahil bukod sa kanyang pamilya, all out din ang suporta sa kanya ng kanyang fiancé, ang businessman, producer at director na si Neil Arce.
Narito ang sweet message ni Neil para sa kanyang fiancé sa kanyang Instagram account kahapon: “Happy birthday my love!!! I I wish you a lifetime of content and happiness and I promise you I would contribute a lot for you to be content and happy. Continue doing what you’re doing, I’ll be beside you all the way. I love you.”
Samantala, nabahiran ng lungkot ang pa-community pantry ni Angel dahil isang 67-year-old man na nagngangalang Rolando de la Cruz na nakapila ang biglang nag-collapse at binawian ng buhay at DOA (dead on arrival) na ito nang isugod sa East Avenue Medical Center.
James hindi kinalilimutan si Bimby
KAHIT matagal nang hindi nagkikita ang mag-amang James Yap at Bimby Aquino Yap, hindi pa rin nakalimot bumati ang popular cager at ex-husband ni Kris Aquino sa anak who turned 14 last April 19.
James was married to Kris in a civil wedding ceremony in 2005 pero nagkahiwalay sila in 2010 at na-annul naman ang kanilang kasal two years later (2012).
Bukod kay Bimby (James Carlos Aquino Yap, Jr), si James ay may dalawang anak sa kanyang long-time partner, ang Italian national na si Michela `Mic’ Cazzola, sina Michael James (MJ) at Franchesca Michelle. Ang eldest son ng basketball star ay anak niya sa isang non-showbiz ex-girlfriend na never pa niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.
Pangarap ni James na maging close sa isa’t isa ang kanyang mga anak.
Bimby got the genes from his dad (dahil almost 6 ft. tall na ito sa edad na 14) and intellect from his mom.
First baby birthday gift para kina Joy at Juancho
IN a couple of weeks ay magiging brand new parents ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.
The couple who got married in a garden wedding sa Sofitel Philippine Plaza Hotel before the pandemic on February 09, 2020 are both excited sa new phase ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Ang ipinagbubuntis ngayon ni Joyce ay kinu-consider nilang birthday gift sa kanilang mag-aawa. Juancho turned 28 last April 13 habang si Joyce is turning 28 on May 4. Bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang first baby, panay ang pagbabasa at panonood sa YouTube ng mag-asawa na may kinalaman sa parenting.
Bernadette balik-trabaho matapos tamaan ng Covid 19
BALIK-trabaho na ang radio and TV anchor ng “TV Patrol” na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo. Ibinahagi nito sa kanyang Instagram account last April 4 na nag-positibo siya sa RT-PCR test for Covid-19 although she was asymptomatic at walang naramdamang kakaiba. Bilang parte ng health protocol, kailangan niyang mag-isolate sa loob ng 14 na araw para mapangalagaan hindi lamang ang kanyang health kundi ng kanyang mister, politician Emilio `Orange’ Aguinaldo IV at iba pang mga taong nasa kanyang paligid at mga taong kanyang nakakasalamuha sa trabaho.
Sa kabila ng pagiging sobrang maingat ni Bernadette, hindi niya alam kung kanino at saan niya nakuha ang virus. But as soon as she was tested positive sa Covid-19 ay agad siyang nag-isolate.
Samantala, maraming kaibigan at kakilala ang mag-asawang Bernadette at Orange ang nananalangin at umaasa na sana’y mabiyayaan na ang couple ng sarili nilang anak. The couple got married in 2008.
Jake pumunta ng Siargao para sunduin si Ellie
HINDI makakalimutan ng 31-year-old old na si Jake Ejercito ang kanyang first time sa Siargao Island kung saan naka-base ang kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann at fiancé nitong surfer na si Philmar Alipayo.
Nagtungo si Jake ng Siargao para sunduin ang kanyang 9-year-old daughter kay Andi na si Ellie.
Maganda ang relasyon ngayon nina Andi at Jake pagdating sa kanilang anak.
First time din nakilala ni Jake ang fiancé ngayon ni Andi na si Philmar maging ang bago nilang baby na si Koa habang si Lilo ay nakita ng actor-host sa Maynila. Maganda rin ang ipinakitang pakikitungo ni Philmar kay Jake.
Habang nasa Siargao si Jake ay si Ellie ang kanyang nagsilbing tour guide sa island.
Sinundo ni Jake si Ellie sa Siargao dahil hindi ito makuhang ihatid sa Maynila ni Andi dahil sa kanyang bagong baby na si Koa.
Wala pang bagong lovelife si Jake kaya mas naka-focus ang attention nito ngayon sa kanyang anak na si Ellie.
Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.