Angel Dad

Angel: 10 members of the fam got Covid

September 14, 2021 Ian F. Fariñas 49 views

AngelBinura na ni Angel Locsin ang social media post kung saan makikitang sakay ng ambulansya ang 94-year-old daddy niya na nagpositibo sa Covid-19.

Sa Instagram Story ng aktres nu’ng Lunes, nagpasalamat siya sa lahat ng fans at followers na nagdasal at nagbigay ng suporta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ibinalita rin niya na bukod sa ama, sampung miyembro pa ng kanilang pamilya ang na-infect ng coronavirus.

Ani Angel, “Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember. I just needed to air out yesterday. 10 members of the fam from separate houses got covid.

“Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family.”

‘Regal Studio Presents’ pilot, patok

Wagi sa Kapuso viewers ang kauna-unahang episode ng biggest telemovie collaboration ng taon na Regal Studio Presents kung saan tampok ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez.

Double trending ang first offering ng GMA at Regal na That Thin Line Between at parehas pasok sa Top Trending list ang mga hashtags na #KenSanyaRegalStudioPresents at

#GMAREGALStudioPresents sa Twitter.

Nagpasalamat sina Ken at Sanya sa lahat ng mga tumutok sa kanilang episode.

Sa Sabado, September 18, tungkol naman sa sirenang si Raya ang dapat abangan sa weekly anthology starring ang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Huwag palalampasin ang Regal Studio Presents tuwing Sabado, 8:30 p.m., sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE