Ang tunay na kulay ni Piolo

April 12, 2022 Aster Amoyo 103 views

PINK na ang kulay ni Piolo Pascual.

Uploaded na sa social media ang video ni Piolo kung saan nagsasalita siya about unity pero sa huli ay ni-reveal na si Leni Robredo ang kanyang kandidato for the presidency.

May mga kanya-kanyang choices naman tayo pagdating sa mga tumatakbo. Ang importante ay dapat nirerespeto rin natin ang choice ng ating kaibigan kung sakaling iba ito sa choice natin.

Lahat naman tayo ay may karapatang pumili ng gusto natin iboto. Sana lang ay iwasan natin ang siraan, lalo na sa social media dahil hindi ito maganda.

Pag-unfollow ni Janine balewala Kay Julie Ann

MUKHANG okey naman si Julie Ann San Jose kahit na she was unfollowed ni Janine Gutierrez sa Instagram. Pero ikinagulat naman daw ito ng tinaguriang Asia’s Limitless Star.

Ito ang pahayag ni Julie Anne sa virtual mediacon ng Limitless, A Musical Trilogy:

“Wala naman sa akin po ‘yon. Kasi lahat naman ng tao may kanya-kanyang reasons, may kanya-kanyang dahilan. Sa end ko naman, alam ko naman po sa sarili ko na wala akong masamang tinapay sa kahit kanino. Wala po akong problem with anybody. Kumbaga… like wala po akong masamang loob,” added San Jose.

Si Janine ay ex-girlfriend ni Rayver Cruz, na nali-link ngayon kay Julie Anne.

“Everyone is entitled to their own opinion. Kaya kung ano man ang nangyari before, wala po iyan sa akin. Basta malinis po ang aking konsensya,” sambit ni Julie Anne.

Mas gusto raw ng dalaga na mag-share ng good vibes with everyone.

“Para lang masaya po ang lahat. Kasi yun ang kailangan natin. Kailangan nating intindihin ang isa’t-isa since times have been challenging for everyone.

“Good vibes, good vibes lang po. Wala naman po sa akin iyon.”

Kaibigan pa rin ang turing ni Julie Anne kay Janine, na Kapamilya contract star na since last year.

Pina-follow pa rin niya ni si Janine sa IG account nito.

Samantala, nali-link naman si Janine kay Paulo Avelino, na naging partner niya sa unang teleserye na ginawa niya for ABS-CBN last year.

Si Paulo rin ang kasama niya sa movie na ginawa niya for TREX Entertainment titled Ngayon Kaya na hindi pa rin naipalalabas sa mga sinehan.

Mas gusto kasi ng producer ng TREX na si Rex Tiri na sa sinehan ito maiopalabas at hindi sa mga online platforms.

1M na Ang viewers ng YouLol

THE official Kapuso comedy channel YouLOL ay nagkamit ng bagong milestone dahil mayroon na itong one million subscribers sa You Tube.

It’s a golden moment indeed!

Noong April 8 ay official na ang pagkakaroon ng one million subscribers ang YouLOL. Mayroon na rin itong mahigit 442 million lifetime views.

With over one million subscribers, eligible na ang YouLOL para sa Golden Play Button mula sa video-sharing site.

Ang channel ang numero unong choice ng quality comedy content mula sa iba’t-ibang high rating comedy shows tulad ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, Daddy’s Gurl, The Boobay And Tekla Show, at marami pang iba.

Puwede rin mag-binge watch ang mga loyal Kapuso viewers ng mga classic GMA 7 shows via YouLOL throwback, pati na rin ang mga original content nito tulad ng The Ladies Room, The Cray Crew at Kwentong Tililing.

Para naman sa mga tweens and teens, pwede rin nila mapanood angmga maganda at nakatutuwang videos sa official Tiktok account ng YouLOL na mayroon ng 1.8 million followers at mahight 12.8 million likes.

AUTHOR PROFILE