Snooky

Ang tunay na dahilan bakit hindi puwedeng pakasal si Snooky

November 21, 2021 Aster Amoyo 2383 views

TO many (including this writer) ay maituturing na kakaiba ang relasyong meron ang dating child superstar na si Snooky Serna at ang kanyang longtime boyfriend and partner, ang businessman, educator and politician na si Ramon `Mon’ Villarama.

Hindi totoo ang balita na ang kanilang magkahiwalay na relihiyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila nagpapakasal hanggang ngayon. Si Mon ay Katoliko habang si Snooky ay dating miyembro ng Iglesia ni Cristo. Isa na siyang born-again Christian ngayon may isang taon na rin ang nakaraan. Ang totoong dahilan ay hindi pa pala annulled ang actress sa kanyang second husband , ang singer-musician na si Nino Mendoza, dating vocalist ng Filipino rock band na Blue-Jean Junkies.

Dalaga pa noon si Snooky (Maria Milagros Sumayao in real life) nang siya’y ma-link sa William Martinez-look-alike businessman and businessman na si Mon Villarama ng Bulacan. They became the best of friends sa loob ng anim na taon pero never na naging sila as far as Snooky was concerned. Kahit madalas sila ang magkasama sa mga lakaran, Mon did not ask her to be his girlfriend at never din daw ito nag `I love you’ sa kanya. Kaya ang pakiramdam noon ni Snooky ay best friends lamang sila. Habang si Mon naman ay inakalang girlfriend niya ang aktres dahil anim na taon silang madalas na magkasama at ito’y hindi naligtas sa mapanuring entertainment media. Since inakala noon ni Snooky na kaibigan lamang ang turing sa kanya ni Mon, nag-entertain siya ng ibang suitors (all from showbiz) at kasama na rito ang kanyang ex-husband, ang model-turned actor na si Ricardo Cepeda.

Sa isang pagkakataon, dinalaw ni Mon si Snooky nang ito’y ma-confine sa pagamutan na may kinalaman sa pagkaka-kagat sa actress ng ahas. To his surprise, inabutan niya roon si Ricardo na dumalaw rin kay Snooky kaya nakaramdam umano siya ng disappointment. Kaya siya na umano ang lumayo sa aktres. Months later ay napag-alaman niyang engaged to be married na si Snooky kay Richard na nasundan ng kanilang pagpapakasal. Sa part naman ni Mon, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagiging businessman at pagiging politician. Naging board member siya, vice governor at governor ng Bulacan pero pagkatapos nito ay tuluyan na siyang huminto sa kanyang political career nang matalo siya nang siya’y tumakbo sa pagka-senador in 1992. Nag-focus na lamang siya sa kanyang negosyo at pagiging isang educator. He also had a string of relationships with other women at nagkaroon siya ng dalawang anak na parehong lalake sa dalawang magkaibang babae, sina JC (Juan Carlos) at Raymond Kevin, both grown up now at naka-base sa Amerika. Ang panganay niya ay meron nang sariling pamilya.

Mon has never been married before kaya kung nanaisin niyang pakasalan si Snooky ay ito ang kanyang magiging first marriage ever. But at this point ay hindi pa ito posibleng mangyari dahil hindi pa annulled si Snooky sa huli nitong marriage which the actress is now working on.

After over two decades of separation, muling nag-re-connect sina Snooky and Mon nang i-add ng isang anak ni Mon si Snooky sa Facebook na in-accept naman ng huli. Nagulat man ang aktres sa friend request ni Mon, she immediately texted him at doon na nagsimula ang muli nilang pagkikita.

Snooky and Mon are now living under one roof pero nasa magkahiwalay pa rin siyang kuwarto. Doon din nakatira ang brother ng actress maging ang kanyang Tita Eden and a cousin.

Kitang-kita namin kung gaano kamahal nina Snooky at Mon ang isa’t isa at naroon ang care nila for each other, pero hangga’t hindi pa sila kasal ay hindi pa sila magkasama sa isang kuwarto. Which Mon respects dahil ito umano ang kahilingan ni Snooky. Sobra rin kung pagsilbihan ni Mon si Snooky who treats her as his queen sa kanyang bahay.

“In God’s time, darating din kami diyan,” simpleng pahayag ni Mon na isa sa mga longtime friends ng actor na si William Martinez.

Samantala, after 23 years ay muling babalikan ni Mon ang public service dahil kandidato siya ngayon bilang kinatawan ng bago at ika-anim na distrito ng Bulacan (Angat, Norzagaray at Sta. Maria) at all out ang suporta ni Snooky sa kanyang kandidatura.

EduEdu at Cherrie Pie nakitang magkasama sa New York

IS romance brewing between two stars ng ongoing primetime TV series na “Marry My, Marry You” na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache? Ito ngayon ang espekulasyon ng marami matapos makita ang dalawa na nagi-enjoy sa pamamasyal sa New York City, USA kasama ang ilang kaibigan. Kung ito’y totoo, maraming fans at mga kasamahan nila sa showbiz ang natutuwa para sa kanilang dalawa lalupa’t matagal na silang single and loveless.

Cherry Pie has long been separated sa ama ng kanyang 19-year old son na si Nio Tria na si Gerry o Gary Tria but they were never married. Si Edu naman got married twice, una sa `Star for All Seasons’-turned politician na si Vilma Santos-Recto at sa Diamond star na si Maricel Soriano. May isang anak ang veteran actor-host and entrepreneur kay Vilma, ang successful TV host-actor and entrepreneur an si Luis Manzano. He also has two grown up children sa dati niyang partner na si Rina Samson – sina Enzo at Addie who are both in New York, USA. He has had a string of other relationships in the past at kasama na rito sina Alicia Mayer, Anjanette Abayari, ang news anchor na si Pinky Webb at iba pa.

Ang dalawang anak ni Edu kay Rina Samson na sina Enzo at Addie ay parehong nasa New York, USA kaya malamang na kasama sila sa dahilan kung bakit nagtungo sa Big Apple ang actor-host.

Kung totoo mang nagkakamabutihan ngayon sina Edu at Cherry Pie, wala naman sigurong magiging sagabal dahil bukod sa pareho silang single at malalaki na ang kanilang mga anak.

JanellaJanella1Janella excited maging Valentina

NAG-ONE year old na last October 20, 2021 ang lovechild ng young couple na sina Janella Salvador at ang Fil-British singer-actor na si Markus Paterson na si Jude Trevor na isinilang sa Bath, Somerset, England nung October 20, 2020. Bumalik sila ng Pilipinas last February 2021. Ngayon ay balik na sa kanilang respective acting career ang dalawa. Si Marcus ay kasalukuyang napapanood sa bagong simulang drama-mystery-thriller primetime TV series ng ABS-CBN na “Viral Scandal” na pinangungunahan nina Joshua Garcia at Charlie Dizon kasama sina Dimples Romana, Jake Cuenca at iba pa. Habang si Janella ay gaganap na pangunahing kontrabida as Regina Valentina ng lead star na si Jane de Leon as Darna sa bagong TV adaptation ng iconic heroine character na likha ng yumaong nobelista na si Mars Ravelo. Ito’y pinamamahalaan ng veteran award-winning director na si Chito Rono na tinatampukan din nina Joshua Garcia, Iza Calzado, Rio Locsin, Kiko Estrada, Simon Ibarra, Young JV, Joi Agpangan at iba pa.

Si Janella ay huling napanood sa primetime mystery-thriller drama series na “The Killer Bride” na tinampukan nila ng kanyang tiyahing si Maja Salvador, Joshua Garcia at iba pa.

Masayang-masaya ang young singer-actress na si Janella na sa kanya ipinagkatiwala ang papel ni Valentina, ang babaeng may mga ahas sa ulo at makakalaban ni Darna (Jane de Leon).

Janella’s new role was announced last Friday, November 19.

When not busy sa kanilang respective career, sina Janella at Markus ay parehong hands-on parents sa kanilang one-year-old son na si Jude Trevor. Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twiter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE