
Ang trahedya ng mga resolusyon ng bagong taon
“Bagong Taon- bagong yugto, bagong berso, o dati pa ring istorya. Sa huli, tayo ang may-akda nito. Ang pagpili ay nasa atin.”- Alex Morritt
SA Enero sinisilang ang mga ambisyosong resolusyonng napakaraming indibidwal na hinahangad ang personal o propesyonal na paglago sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sa kabila ng nag-uumapaw na pag-asa , karamihansa mga resolusyong ito ay nililibing rin bago matapos ang buwan . Bilang mga may-akda, kailangan natin mabagoang trahedya ng resolusyon ng bagong taon.
Ayon sa pag-aaral ng Ohio State University, 23% ng mga tao ang naglulubay sa kanilang resolusyon sa unanglinggo ng Enero, at 43% sa pagtatapos ng buwan. Iniulatng Baylor College of Medicine na 88 % ang bigongpanatilihin ang kanilang mga resolusyon sa loob ng unangdalawang linggo. Sa pangkalahatan, tinatantya na halos 9% lamang ang matagumpay na napapanatili ang kanilang mga resolusyon ng bagong taon- at batay sa karanasan ni Tom Oliver , isang pandaigdigang guro sapamamahala, ito ay pangkalahatan sa lahat ng mga bansa.
Ipinaliwanag ni Oliver ( Enero 6, 2025) ang mgakatangian ng mga resolusyon na hindi napapanatili: a.hindi malinaw ito, tulad ng “maging mas malusog” nahindi klaro at walang sukatan ng tagumpay; b. sobrangambisyoso ng layunin na maaaring humantong sakawalan ng gana dahil walang agarang resultangnakakamit sa maikling panahon, at c. pakikipagkumpitensya sa mga prayoridad ng pang-araw-araw na pangangailangan at hindi inaasahang mga hamonna nagsasantabi ng resolusyon sa likuran.
Dinagdag ni Oliver na ang kadalasang pagkakamaling indibidwal na gumawa ng resolusyon ay ang: 1. hindipagtatalaga ng tao na tatawag ng kanyang pansin kung dumadaosdos ang pagpupursige ng layunin; 2. walangtinayong mekanismo na susukat sa progreso ng pagpupunyagi sa pagkamit ng layunin.
Bagamat malaki ang porsiyento ng mga bigo sapagpapanatili ng resolusyon, maaaring maiwasan ang trahedya ng mga resolusyon ng bagong taon sapamamagitan ng mga sumsunod na istratehiya:
1. Bumalangkas ng mga layunin na tumpak, madaling masukat, may kakayahan makamit , may-katuturan, at may takdang oras ng pagtupad . Halimbawa, sa halip na “mamuhay nang mas malusog,”sabihin na magbawas ng 1 kg sa loob ng dalawang buwansa pamamagitan ng araw-araw na tatlumpung minutongpag-eehersisyo, pagtulog ng 7-8 oras, at pagsunod ng diyeta na bawas sa karbohaydreyt ngunit maramingprotina.
2. Pakikipagsosyo sa isang taong pananagutin ka saiyong resolusyon. Ang taong ito ay maaaring isangkasamahan, tagapayo, o propesyonal na tagasanay.
3. Magtakda ng malinaw na sukatan ng tagumpay at suriin ang mga ito linggu-linggo upang magkaroon ng inspirasyon kung nakakasunod sa plano, at motibasyonna makahabol kung nahuhuli naman.
4. Pirasuhin ang malaking layunin sa mga maliliit nahakbang na may mga takdang oras ng pagtupad. Sa atingnabanggit na halimbawa sa #1 , ang iyong pangunahingsukatan ng tagumpay ang mabawasan ang timbang ng 250 gramo bawat linggo sa loob ng walong linggo.
5. Asahan ang mga hadlang na maaaring sumulpot, dapat matukoy ito sa umpisa pa lang, at paghandaan ang mga gagawin para malampasan ang mga ito.
6. Huwag ituring ang resolusyon bilang minsanan namalaking pagtatangka bagkus magsumikap na ulitin ng ulitin ang aktibidad hanggang sa ito ay mahinog bilangganap na ugali.
Halimbawa ng ilang mga gawing dapat pamarisanang pagsusumikap na dumating sa eksaktong oras satipanan , at ang paghihiwalay ng basura galing sa atingtahanan. At upang maiba ang kwento ng halalan, ang matalinong pagsuporta sa mga kandidatong lumilikha ng oportunidad para permanenteng makaahon ang maramisa paghihikahos at paglubay sa ungas na pagtangkilik samga dorobo at parasitikong dinastiyang politikal nananlalapa at nagsasamantala sa kahirapan ng pamayanan. Magpatawad tayo, subalit panagutin pa rinang naglustay ng pera ng bayan.
Nakakadalawang linggo na tayo ng Enero. Kinisinagad ang balangkas ng mga resolusyon ng bagong taonupang ang napipintong trahedya ay maging istorya ngtagumpay ng ating buhay sa buong 2025.