Ang sikreto ng mahabang pagsasama nina Pip at Lyn
CELEBRITY couple Tirso Cruz III or Pip and Lyn Ynchausti-Cruz celebrated their 40th wedding anniversary last Tuesday, May 25. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng tatlong anak – sina Teejay, Bodie at Djanin.
Dumaan sa pinakamatinding pagsubok ang mag-asawa nang sumakabilang-buhay ang kanilang panganay na si Teejay nung November 21, 2018 dahil sa cancer.
Pip also had cancer sa lungs (stage 2) in 2014 but was declared cancer free in 2019 matapos siyang sumailalim sa surgery and series of treatments.
Being a God-centered couple with their children, magaang natatanggap ng mag-asawa at ng kanilang mga anak ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
Sa kabila ng pagiging bahagi ng showbiz for the longest time, Pip and Lyn make it a point na marunong silang ihiwalay ang showbiz work sa kanilang pribadong buhay na siyang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pagsasama.
Ang mag-asawang Pip at Lyn ay ikinasal nung May 25, 2981 at isa sa pinakamatatag na showbiz couple sa industriya.
Boyet at Sandy lalong pinatatag ng mga pagsubok
ANG isa pang showbiz couple na matatag ang pagsasama ay ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na nag-celebrate naman ng kanilang 41st wedding anniversary nung nakaraang March. Ang mag-asawa ay may limang anak na sina Mariel, Rafael, Miguel, Gabriel at Mikaela na lahat ay tapos ng pag-aaral.
Boyet (Christopher) has a son with ex-wife, superstar Nora Aunor, si Ian de Leon at meron din silang adopted daughter na si Lotlot de Leon na sinundan nina Matet, Kiko and Kenneth.
Tulad ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Cruz, dumaan din sa maraming pagsubok ang pagsasama nina Boyet at Sandy. Ang isa sa kanilang mga anak na si Miguel ay nagkaroon ng testicular cancer in 2014 habang si Sandy naman ay sumailalim ng liver transplant in March 2015. March of 2020 ay kinapitan naman ng Covid 19 coronavirus si Boyet and by God’s grace ay gumaling silang tatlo.
Ang mag-asawang Boyet at Sandy ay nagpabalik-balik ng Amerika kung saan naka-base si Miguel para sa kanyang cancer treatment at pagbalik naman ng Pilipinas ay kailangang mag-report si Boyet sa kanyang tapings. The following year, si Sandy naman ang sumailalim ng liver transplant.
Dahil sa mga pinagdaanan nina Boyet at Sandy ay lalo lamang naging strong ang kanilang faith sa Diyos at lalo pang tumatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Marc retiro na sa hard court
AFTER 16 years of playing professional basketball sa PBA (Philippine Basketball Association) sa iba’t ibang team, nag-retiro na ang mister ng actress na si Danica Sotto-Pingris na si Marc Pingris para harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay sa labas ng court kasama ang kanyang pamilya – his wife of fourteen years na si Danica Sotto-Pingris at dalawa nilang anak na sina Jean Michael at Anielle Micaela.’
Tiyak na malulungkot ang mga basketball fans ni Mark sa kanyang naging desisyon dahil hindi na nila ito muling mapapanood sa PBA.
Wala pang ibang ibinabahagi si Marc sa kanyang mga bagong plano.
All-out naman ang suporta ng kanyang misis na si Danica sa kanyang naging desisyon.
Pepito Manaloto magkakaroon ng season finale
ANG award-winning and long-running weekly sitcom na “Pepito Manaloto,” created and starred in by Michael V. kasama sina Manilyn Reynes, Jake Vargas at Angel Satsumi kasama sina John Feir, Ronnie Henares, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Nova Villa, Jessa Zaragoza at Carmina Villarroel ay nakatakdang magkaroon ng season finale sa darating na Sabado, May 29 na pinamagatang “Kwento Kwento”. Ang programa ay nagsimula nung March 2010 and was relaunched nung September 16, 2012. Ito’y pansamantalang natigil nung March 2020 dahil sa pandemya at muling nagpatuloy nung September 5, 2020. Ang nasabing programa ay magkakaroon ng season break para ito muling magpatuloy sa ere.
Bukod sa “Pepito Manaloto,” si Michael V. rin ang tumatayong creative director ng longest-running gag show sa telebisyon (GMA), ang “Bubble Gang” na nagsimula sa ere nung October 20, 1995.
Si Michael V. who is Beethoven del Valle Bunagan in real life ay naging contestant ng isang rap segment ng “Eat Bulaga” kung saan siya napanood ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad.
Si Michael V. ang naging kasagutan ng OctoArts kay Andrew E. ng Viva na mamayagpag na noon sa kanyang rap hit song na “Humanap ka ng Panget” na sinagot naman ni Michael V. ng “Maganda ang Piliin” in 1991.
Bago nagsarili ng management si Michael V., he was managed by OctoArts big boss Orly Ilacad na siyang naging malaking instrumento ng kasikatan ng singer-rapper, writer, actor-comedian and creative director.
Ronnie isa nang licensed pilot
ISA nang ganap na licensed pilot ang Viva singer-actor at military reservist na si Ronnie Liang.
Inamin ng binata na bata pa siya ay pangarap na umano niyang maging piloto laluna kapag may nakikita siyang eroplano na dumadaan sa kanilang bahay sa Pampanga. Hindi lubos maisip ni Ronnie kung paano nagkatotoo ang kanyang pangarap dahil sa singing at acting una siya napunta.
Si Ronnie ay nag-aral sa pagiging piloto sa APG International Aviation Academy in Subic.
Ngayong isa nang ganap nang licensed pilot si Ronnie, malamang na kasunod na rito ang kanyang pagiging isang commercial pilot. Kapag ito’y nangyari ay madali na niyang mapupuntahan ang kanyang girlfriend na isang nurse sa New York City, USA.
Kasunod na kaya nito ang kanyang paglagay sa tahimik?
Personals
BELATED birthday greetings to my late father, Bonifacio Basada Amoyo last May 26, advance happy birthday to my sister Mely Amoyo-Tapia on may 30 and to my mother, Maria Salome Amosco-Amoyo on Monday, May 31, her 94th birthday.
Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.