Alagang Ang “Alagang Probinsyano” ay kumpletong pangkalusugang serbisyo: bukod sa libreng medical check-up, maintenance medicines at vitamins, sagot rin ng APPL ang diagnostic at laboratory tests kung kinakailangan, pati na rin ang online follow- up check up.

Ang Probinsyano, Marikina magkatulong sa laban vs COVID

July 12, 2021 People's Tonight 707 views

BILANG suporta sa pangangalaga ng Marikina City sa kalusugan ng kanilang mga residente, kasama na rin ang pagsusumikap ng ating gobyerno para labanan ang COVID, inilunsad ng Ang Probinsyano Party List (APPL) ngayong araw, July 12, 2021, ang kauna-unahang health care service nito sa Metro Manila na tinawag na “Alagang Probinsyano, Kalinga ng Marikina LGU”.

Ang “Alagang Probinsyano” ay kumpletong pangkalusugang serbisyo: bukod sa libreng medical check-up, maintenance medicines at vitamins, sagot rin ng APPL ang diagnostic at laboratory tests kung kinakailangan, pati na rin ang online follow- up check up.

Ang hindi makakapunta sa Tanong High School Marikina City, kung saan ginanap ang health care service dahil sila ay bedridden, pinuntahan ng mga duktor at health care workers sa kanilang mga tahanan para personal na mabigyan ng tulong-pangkalusugan.

Ang unang grupo ng beneficiaries na nakakuha nitong “Alagang Probinsyano Health Service” ay mga residente ng Bgy. Tanong, Marikina City na nasa ilalim ng “A3 category” (may comorbidity na high blood pressure).

“Noong nakaraang taon pa namin nasimulan ang proyektong ito sa mga probinsya. Halos buwan-buwan naming ginagawa ito. Dinala na namin ito ngayon sa Metro Manila dahil mataas ang populasyon at Covid rates dito,” ayon kay Rep. Alfred Delos Santos, Ang Probinsyano Partylist.

Dagdag pa ni Rep. Delos Santos: “Ayon sa Philippine News Agency (PNA), 14.5 milyong Pilipino ang may comorbidity. Ibig sabihin, milyun-milyong Pilipino ang may hypertension, diabetes, obesity, asthma at chronic liver disease. Ang mga maysakit nito ay kailangang umiwas sa paglabas dahil sila ang prone sa complications kapag tinamaan ng COVID. Kaya imbes na pumunta sila sa ospital o mga health centers, kami na ang pumupunta sa kanilang bahay, lalo na yung bedridden. At sa mga kaya namang pumunta sa “Alagang Probinsyano Health Service” venue, by batch po namin sila pinapapunta. Para wala pong siksikan, at maayos po naming maisasagawa ang aming health service”.

Nang itinanong si Rep. Delos Santos kung bakit Marikina ang napiling syudad para isagawa ang Alagang Probinsyano Health Service launch: “Nagkaroon na kasi kami ng Libreng Gulay Project sa Marikina. Very warm ang pagtanggap nina Mayor Marcy Teodoro sa amin dito. Very organized din ang Marikina LGU. Hindi naman namin kakayaning magkaroon ng ganitong project sa Metro Manila kung hindi kami tinulungan ng Marikina City government”

Sa matagumpay na paglunsad ng “Alagang Probinsyano Health Project” sa Marikina City, umaasa ang grupo na mauulit pa ang ganitong proyekto sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at sa mga kalapit na syudad nito.

AUTHOR PROFILE