Cardo

‘Ang Probinsyano’ magpapaalam na, Coco gagawa muna ng pelikula

July 23, 2022 Aster Amoyo 441 views

Cardo1

TIYAK na malulungkot ang avid watchers ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nakatakda na itong magtapos sa August 12, 2022.

“FPJ’s Ang Probinsyano” holds the record of being the top-rating and longest-running action-drama series both on free TV and digital latform. Ito’y pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director at isa mga director ng serye. Ang nasabing serye ay nagsimula nung September 28,2015.

Kung ang viewers lamang ang masusunod ay gusto nilang magpatuloy pa ang pagiging hero ni Cardo Dalisay. Pero, kailangan na rin ito tapusin to prepare for another something big coming up from Coco.

Sa pagkakaalam namin, sandali lamang umano magpapahinga si Coco at babalik din agad ito sa pamamagitan ng isang bagong serye na malamang isa uling FPJ material. Lumulutang ang ang balita na interesado umano si Coco sa “Batang Quiapo” na pinagtambalan nina FPJ at Diamond Star na si Maricel Soriano noong 1986. Ito ay dinirek ng yumaong si Pablo Santiago, ama ng magkakapatid na Randy, Rowell at Raymart Santiago. Liban kay Randy, sina Rowell at Raymart ay bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Samantala, haharapin naman ni Coco ang bago niyanng movie project which he will co-produce with ABS-CBN, ang “Labyu with Accent” na pagtatambalan nil ani Jodi Sta. Maria. Ang nasabing pelikula ay pamamahalaan mismo ni Coco using his real name na Rodel Nacianceno at isa sa official entries ng 2022 Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

May isa pang unshown movie si Coco na balik-tambalan nila ng kanyang rumored sweetheart na si Julia Montes na dinirek ni Brillante Mendoza at kinunan sa Pola, Oriental, Mendoro.

Lassy

Lassy1Beks Battalion may big concert

MASAYANG-masaya ang Beks Battalion na sina Chad Kinis (Richardson de la Cruz) MC Muah (Calaquian) at Lassy (Marquez) dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon sila ng concert at the New Frontier Theater on August 26, 2022 (Friday) at 8 p.m. billed as “Beks 2 Beks 2 Beks” to be directed by GB Sampedro and produced by Viva Live.

Bukod sa kanilang pagiging successful YouTubers with over 2.3M subscribers, ang tatlo ay nagsimula bilang stand-up comedians sa mga comedy bar.

Sa tatlo mas nauna sina MC at Lassy and almost ten years later ay sumunod si Chad. Nabuo ang pagkakaibigan ng tatlo sa comedy bar. Na-test naman ang tunay na pagkakaibigan ng tatlo nang dumating ang pandemic na naging daan ng pagsasara ng lahat ng comedy bars at iba pang entertainment venues.

Bago pa man dumating ang pandemic ay nagba-vlog na si Chad and it was him who convinced MC Muah na pumasok na rin sa pagba-vlog and it was the later na siya namang nag-convince kay Lassy to join them.

Nagkataon na sikat noon ang grupong Ex-Battalion at doon hango ang kanilang pangalan na Beks Battalion (Beks for Bekis, colloquial term for gays) at ito ang kanilang ginamit sa kanilang grupo maging sa kanilang YouTube channel.

It was in February 2020 nang mabuo ang Beks Battalion. The group decided na magkaroon sila ng Beks Battalion house para doon silang tatlo magsama-sama para mas madali ang execution ng kanilang vlog.

Although magkakaiba ang kanilang personalidad and there are times na nagka-clash at nagkakapikunan silang tatlo, never umano dumating sa punto for the break-up of the group dahil mas pinaiiral nila ang pang-unawa sa isa’t isa, ang kanilang pagmamahalan at suportahan bilang magkakaibigan.

“We consider ourselves family,” pahayag ni Chad.

“Daig pa namin ang tunay na magkakapatid,” susog naman ni MC.

Sa kanilang tatlo, inamin ni Chad na si MC umano ang pinaka-motherly and very organized habang si Lassy naman ay maasahan sa iba’t ibang errands.

Since mga anak-anakan silang tatlo ng singer-comedian-host superstar na si Vice Ganda, magiging special guest nila ito along with Zeinab Harake, Jelai Andres, BuDaKhel, Katrina Velarde, Buboy Villar, Ate Gay, Divine Tetay at Tonton.

Ayon sa tatlo, natuwa umano si Vice nang malaman niyang ipu-produce sila ng Viva for their first concert sa The New Frontier.

Tickets to the concert are now available at the Ticketnet (02-891-5555 or call Viva sa )917-1825560.

Carmi

Carmi nanampal ng bastos na turista

TOTOO pala na may sinampal na isang turista ang actress-comedian at interior decorator na si Carmi Martin.

Ayon sa kuwento sa amin ng veteran actress-comedian, nasa loob umano sila ng isang restaurant sa probinsya nang may dumating na isang tourist guide kasama ang ilang turista. Nang makita si Carmi, sinabi umano ng guide sa mga turista na isa siyang sikat na actress sa Pilipinas. Lumapit umano ang isa sa mga turista kay Carmi. Tumayo naman ang aktres para pagbigyan ang turista na makunan sila ng litrato pero ang ginawa ng turista ay siya ang umupo sa upuan ni Carmi at pilit siyang pinauupo ng turista sa kanyang lap. Nabastusan si Carmi sa inasal ng turista kaya niya ito sinampal at sinigawan. Nagkataon naman na may pulis sa loob ng restaurant na agad lumapit at pinalabas ng restaurant ang nasabing turista.

Si Carmi ay isa sa discoveries noong 1980 ni Mang Conde Ubaldo, ang yumaong manager ng Comedy King na si Dolphy, along with Liz Alindogan at Anna Marie Gutierrez. Ang tatlo ay kasama noon sa mga sexy models ng Girard Peters na ipinakilala sa pelikulang “Dolphy’s Angels” along with former beauty queen Yehlen Catral na isa nang lawyer sa Amerika. Sa apat na angels ni Dolphy, tanging si Carmi lamang ang nagtuluy-tuloy sa kanyang showbiz career at nag-showbiz comeback naman lately si Liz habang si Anna Marie ay nakatira na sa New York City, USA.

Lumutang naman ang pagiging komedyana ni Carmi nang siya’y mapabilang sa dating “Chicks to Chicks” sitcom ng IBC-13 na naging “Chika Chika Chicks” nang ito’y malipat sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng “Abangan ang Susunod na Kabanata” kung saan siya naging close sa actress-host-writer na si Tessie Tomas.

It was Tessie who prodded Carmi na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Carmi ay nagtapos ng Interior Design sa Philippine School of Interior Design (PSID) at Fine arts sa Philippine Women’s University.

Bukod kay Tessie, among the closest friends ni Carmi in showbiz include Coney Reyes, Roderick Paulate and Gladys Reyes.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE