TVJ

Ang mga kasaysayang naganap sa ‘Eat Bulaga’

August 15, 2022 Aster Amoyo 185 views

TVJ1TVJ2

MAKASAYSAYAN (sa telebisyon) ang muling pagsasama ng Tito, Vic & Joey kasama ang dati nilang co-host na si Coney Reyes sa 43rd anniversary celebrations ng top-rating and longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, ang “Eat Bulaga” na ginanap live sa APT Studios in Cainta, Rizal nung nakaraang July 30, 2022.

It was Coney’s second appearance matapos siyang umalis sa programa in 1991. She also guested sa silver anniversary ng programa nung 2004 na ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum).

Ikinatuwa ito ni Pasig Mayor Vico Sotto, anak nina Coney at Vic Sotto na agad na-post sa kanyang social media account.

“Di ko akalain na makakakita pa ako ng Bulaga na may “Tito, Vic and Joey, kasama pati si Coney!

“Baby pa ako nung huling episode na nandun si Mama!

“Sayang di ako nakanood ng live. Sa 50th Anniversary, sisiguraduhin kong nasa live audience ako,” post ni Mayor Vico Sotto.

It was on July 30, 1979 nang mabuo ang “Eat Bulaga” sa RPN9 in Broadcast City. Bukod sa Tito, Vic & Joey, kasama rin nila noon si Chiqui Hollman and the late actor-comedian-host na si Richie D’Horsie.

Sa loob ng sampung taon mula 1979 to 1989 ay napanood sa RPN ang “Eat Bulaga” pero dahil sa pabagu-bago ng management ng RPN (dahil isa itong sequestered TV network), napilitan ang TAPE, Inc. ni G. Tony Tuviera, producer ng “Eat Bulaga” na makipag-negotiate sa ABS-CBN at pumasok siya sa co-production deal with the said TV network. At doon lumipat ang programa until 1994 and from 1994 up to this time ay sa GMA Kapuso Network na ito napapanood.

Sinubukan noon ng ABS-CBN na bilhin ang airing rights ng “Eat Bulaga” sa TAPE, Inc. pero hindi pumayag ang big boss ng kumpanya at sa halip ay pumasok siya ng bagong deal with GMA na siyang naging daan ng kanilang paglipat sa Kapuso Network in 1994.

Echo

Sa loob ng anim na buwan ay hindi pumirma ng kontrata ang Tito, Vic & Joey at wala rin silang suweldo sa pag-aakalang hindi magtatagal ang programa sa ere dahil walang advertisers na pumapasok. At that time, ang institusyon nang noontime show na “Student Canteen” then hosted by Eddie Ilarde, Bobby Ledesma and Pepe Pimentel na napapanood pa noon sa GMA ang namamayagpag sa ere. Pero pagdating ng 1980 nang simulan ng programa ang segment na “Mr. Macho” ay biglang umalagwa ang ratings ng programa at unti-unti na ring nagsipasukan ang mga advertisers. Nagpatuloy ang pamamayagpayag ng programa nang mag-introduce pa sila ng iba’t ibang segment ng programa at kasama na rito ang taunang segment noon na “Little Miss Philippines” na pinagmulan ng maraming sikat na personalidad ngayon tulad nina Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Jessa Zaragaza, Franchine Prieto, Pauleen Luna, Gladys Reyes at iba pa. Nariyan din ang “Mr. Pogi” kung saan nagsimula ang karera ni Jericho Rosales among others.

Ang original theme song ng “Eat Bulaga” ay magkakatulong na kinompos nina Vincent Dy Buncio at Pancho Oppus na nilapatan ng melody ni Vic Sotto and arranged by Homer Flores.

Mula Broadcast City, it was on December 2, 1987 nang lumipat ng studio ang “Eat Bulaga” sa Broadway Centrum in Quezon City na naging tahanan ng noontime program sa loob ng maraming taon until their transfer to their permanent home, ang APT Studios in Cainta, Rizal nung December 8, 2018.

Alden

Up to this day, nanatiling highest-rating ng programa ang October 24, 2015 episode ng “Tamang Panahon” ng phenomenal team-up ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na ginanap sa 50,000-seater na Philippine Arena in Bulacan which garnered 50.8% sa ratings.

Sa “Eat Bulaga” nagsimula ang accidental at phenomenal tandem nina Alden at Maine nung July 15, 2015 na nauwi sa pagkakaroon ng live teleserye na pinamagatang “Kalyeserye” na tumagal hanggang December 17. 2016.

Ang most popular loveteam nina Alden at Maine na mas nakilala as AlDub ay nagwakas in 2018 nang magsimulang lumutang ang tunay na relasyon nina Maine at actor-turned politician na si Arjo Atayde na umani ng wild reaction sa AlDub fans. Pero nag-die down din ito nang ma-realize ng supporters nina Alden at Maine na totoo pala ang pag-iibigan ng huli at ni Arjo who are now engaged to be married.

Ang engagement nina Maine at Arjo ay nangyari nung nakaraang July 29, 2022, isang araw bago ang 43rd anniversary celebrations ng “Eat Bulaga” kung saan kabilang ang host-actress.

Sa pagdaan na mahigit apat na dekada ng “Eat Bulaga,” napakarami na ring celebrities ang naging bahagi ng programa at kabilang na rito ang mga naging co-hosts at guest co-host tulad nina Cristine Jacob, Pia Guanio, Ruby Rodriquez, Ai-Ai de las Alas, Toni Gonzaga, Isabelle Daza, Aileen Damiles, Aiza Seguerra, Aicelle Santos, Amy Perez, Ana Marie Craig, Angela Luz, Bea Bueno, Becca Godinez, Bessie Padilla, Camille Ocampo, Charo Santos, Carmina Villarroel, Ces Quesada, Gemma Fitzgerald, Frida Fonda, Gladys Guevarra, Gretchen Barretto, Halina Perez, Helen Gamboa, the late Helen Vela, Iza Calzado, Julia Clarete, Janice de Belen, Janina Tee, Jaya, Jenny Syquia, Julia Gonowon, K Brosas, Kim Idol, Kris Aquino, Lady Lee, Kristine Florendo, Lalaine Edson, Lani Mercado, Leila Kuzma, Lindsay Custodio, Lyn Ching-Pascual, Luane Dy, Manilyn Reynes, Marian Rivera, Michelle van Eimeren, Maureen Wroblewitz, Millet Advincula, Mickey Ferriols, Mikee Cojuangco, Patricia Tumulak, Patricia Fernandez, Plinky Recto, Phoemela Baranda, Pops Fernandez, Priscilla Monteyro, the late Rio Diaz, Rosanna Roces, Samantha `Gracia’ Lopez, Sharmaine Suarez, Sarah Lahbati, Sherilyn Reyes, Sharon Cuneta, Sheryl Cruz, Solenn Heussaff, Stefanie Walmsey, Sugar Mercado, Taki Saito, Tanya Paulsen, Cindy Kurleto, Daiana Meneses, Debraliz Valasote, Diana Zubiri, Dindin Llanera, Donita Rose, Donna Cruz, Eileen Macapagal, Vanessa Matsunaga, Vanna Vanna, Toni Rose Gayda, Tetchie Agbayani, Teri Onor at marami pang iba including Michael V., Janno Gibbs, the late Francis Magalona, Jimmy Santos, Ruby Rodriquez, Anjo Yllana and more.

Bukod kina Paolo Ballesteros, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Pauleen Luna at Ryzza Mae Dizon, kabilang na rin sa present Dabarkads sina Maja Salvador at Miles Ocampo. Work from home naman sina Vic Sotto at Joey de leon.

Kung gugustuhin ni Tony Tuviera, ang big boss ng TAPE, Inc., producer ng “Eat Buiaga” ay puwede niyang ibalik ang tambalang Tito, Vic & Joey with Coney na siyang mga poste ng longest-running noontime show na inaasahang aabot pa sa kanilang 50th anniversary in seven years’ time. Pero dahil nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya, this refrains Mr. T (Tuviera) from doing it lalupa’t pare-pareho nang senior citizens ang apat na original hosts.

Unknown to many, ang karera ng 42-year old popular actor na si Jericho Rosales ay nagsimula sa “Eat Bulaga” nang siya’y sumali sa popular segment ng programa, ang “Mr. Pogi” in 1996 kung saan siya nanalo.

For sometime ay naging bahagi ng “Eat Bulaga” si Jericho bago siya lumipat sa Star Magic ng ABS-CBN kung saan nagtuluy-tuloy ang kanyang career bilang actor at singer.

Si Jericho ay naka-base na ngayon si New York City, USA with his British-born Australian fashion influencer wife na si Kim Jones to pursue his Hollywood dreams.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE