Jay

Ang makulay na buhay ni Jay

October 20, 2021 Aster Amoyo 123 views

ANG drama-thriller movie na “Mahjong Nights” ang hudyat sa pagbabalik ni Jay Manalo sa Viva, his former home studio kung saan siya nagsimula at nakilala nang husto nung kalagitnaan ng dekada nubenta.

Si Jay ay nagsimula ng kanyang showbiz career in 1994 at siya’y ipinakilala sa action movie na “Brat Pack” where he played support. Ito’y nasundan ng isa pang action movie na “Paracale Gang Urban” nung 1996. Pagkatapos gumawa ni Jay ng ilang action movies ay nag-shift siya sa pagiging sexy actor na kanyang sinimulan sa sexy movie na “Gayuma” na pinagtambalan nila ni Amanda Page. He was later on launched as a solo sexy actor sa kanyang unang title role na “Totoy Mola” na naging malaking hit sa takilya. Since din ay naging sunud-sunod na ang paggawa ng actor ng mga sexy movies tulad ng “Kaliwa’t Kanan,” “Sakit sa Katawan,” “Bayad Puri,” “Bawal na Halik,” “Balahibong Pusa” with Joyce Jimenez, “Prosti,” “Bayaran,” “Ang Huling Birhen sa Lupa” at “Hubog”. Pagkatapos ng mga sexy movies ay nakagawa ang actor ng dalawang drama movies sa bakuran ng Regal Films, ang “Aishite Imasu 1941: Mahal Kita” at “Mano Po 3: My Love”. He also did comedy films tulad ng “I Will Survive” at “Ako Legal Wife” and fantasy-horror films tulad ng “Gagamboy,” “Feng Shui” at “Barang”. After years of not doing films, balik si Jay sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” na siyang launching movie ng bagong sexy actor na si Sean de Guzman na kasama rin niya sa pelikulang “Mahjong Nights.”

Pang-MMK o “Magpakailanman” ang buhay ni Jay na isang Filipino-Vietnamese. Filipino ang kanyang ama at Vietnamese naman ang kanyang ina.

Si Jay ay isinilang sa Saigon, South Vietnam kung saan nakilala ng kanyang ama ang kanyang ina. His dad was a member ng isang band na nagpi-perform in Vietnam. When he was born, nag-relocate sa Pilipinas ang kanyang parents but when he turned 6 ay nagkahiwalay ang kanyang mga magulang. Siya’y naiwan sa kalinga ng kanyang paternal grandma dahil ang kanyang ama ay nagpatuloy sa pagtatanghal sa ibang bansa habang ang kanyang ina ay muling nag-asawa ng isang US Navy serviceman sa Olongapo City and later on moved to the US. May tatlong half-siblings si Jay sa kanyang ina at dalawa sa kanyang ama. He visited his mom and his new family in the US nung 2005 at nung 2008 ay ito naman ang bumisita ng Pilipinas and that was the last time na nagkita sila ng kanyang ina habang retired na sa pagiging musician ang kanyang ama na may sarili na ring pamilya.

Growing up, maraming pinagdaanang hirap at iba’t ibang odd jobs ang kanyang pinasok dahil wala siyang kinalakihang mga magulang. He was in his elementary grades nang matuto siyang maghanap at mamulot ng mga nalalaglag na coins sa mataaong lugar tulad ng palengke at simbahan maging sa mga sakayan ng jeep. Natuto rin umano siyang mangalakal ng mga plastic bottles at diyaryo para magkaroon siya ng pera, nagtinda ng sigarilyo, naging helper at kung anu-ano pa. Dalawang beses din umano siyang naglayas sa poder ng kanyang lola when he was in Grade 5 at Grade 6. Nakitira rin umano siya dalawang magkaibang pamilya in Bulacan at Sampaloc na parehong naging mabait ang trato sa kanya until he was spotted ng isang talent scout for commercials hanggang sa mapunta siya sa bakuran ng Viva in 1994 at doon nagbago lahat ng takbo ng kanyang buhay.

Being young, handsome at hunk, hindi ikinakaila ni Jay ng nagkaroon siya ng iba’t ibang girlfriends in the past bago niya natagpuan ang kanyang misis ngayon (of 20 years) na si Rizza kung kanino siya may limang anak. Pito naman ang kanyang anak sa limang magkakaibang babae nung binata pa siya. Pero sa kabila ng pagkakaroon niya ng maraming anak, hindi umano siya nagpabaya bilang ama at hiling niya sa mga ina ng kanyang mga anak na payagan ang mga bata na magkasama-sama ang magkakapatid sa tuwing birthday niya, January 30 dahil ito umano ang kanyang bonding moment with all his children at bonding moment na rin ng magkakapatid sa magkakaibang ina.

Although meron sa mga anak ni Jay ang gustong mag-showbiz, papayagan lamang umano niya ang mga ito kapag tapos na sila sa kanilang pag-aaral.

“I was one sem to go sa Criminology at graduating na ako pero di ko na natapos dahil sa schedule ko sa showbiz noon. Ang feeling ko nu’n, hindi rin naman ako matatanggap sa pagpu-pulis dahil tadtad ng tattoo ang katawan ko na bawal sa mga police.

“I have nothing against showbiz dahil dito ako nakilala pero gusto ko sa mga anak ko na makapagtapos sila sa kanilang pag-aaral dahil `yun ang pangarap ko sa kanila at tanging yaman na maipamamana ko sa kanila,” pahayag ng actor who is looking forward to become busier with more projects sa bakuran ng Viva.

Si Jay ay huling napanood sa TV series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” on GMA nung isang taon.

Kylie1KylieAljurAljur ibinato ang sisi kay Kylie

SA nakikita namin, tiyak na mas lalong lalalim ang gap ng dating mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos basagin ng actor ng kanyang pananahimik since their break-up last April which was confirmed by Robin Padilla sa kanyang interview with colleague Ogie Diaz sa vlog nito last July.

Ayon sa actor, si Kylie umano ang unang nangaliwa na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. May usapan ang dating mag-asawa na mananahimik umano sila pagdating sa cause ng kanilang break-up pero ngayong nagsalita na si Aljur, tiyak na hindi ito palalampasin ng Kapuso actress na agad nag-post sa kanyang Instagram account ng cryptic message na “Never underestimate a man’s ability to `make you feel guilty for his mistakes’,” na pinaniniwalaan ng marami na Kylie is referring to her ex-husband na si Aljur na nali-link ngayon sa Viva sexy star na si AJ Raval.

Ang dating mag-asawang Kylie at Aljur ay may dalawang anak na parehong lalake na sina Alas Joaquin at Axl Romeo na parehong nasa poder ng Kapuso actress.

Umaasa naman ang malalapit na kaibigan ng dating mag-asawa na sana’y mapanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan o pagiging civil man lamang sa isa’t isa alang-alang sa kanilang dalawang anak na hindi na maintindihan ang nangyari sa kanilang mga magulang.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo

ERRATUM: In yesterday’s column, the head should have read: Piolo at Shaina huli sa isang beach resort sa Bohol. Our apologies.

AUTHOR PROFILE