
Ang kuwento ng tagumpay ng Cup of Joe
MATAPOS ang kanilang two-night successful debut concert at the New Frontier nung February 9 and 10, 2024, Viva Records’ Cup of Joe band is mounting their two-night sold out concert at the Big Dome (Araneta Coliseum) on February 8 & 9, 2025 billed as “Silakbo: The Concert” na hango sa kanilang debut album of the same title na binubuo ng mga awiting sinulat mismo ng grupo tulad ng “Bubog,” “Multo,” “Kanelang Mata,” “Silakbo” at iba pa. Ang nasabing mga awitin ay mapapasama sa kanilang concert repertoire including their past hits tulad ng “Nag-iisang Muli,” “Alas Dose,” “Sagada,” “Hayaan,” “Bukod Tangi” and their biggest hit song “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” na naging title at theme song ng pelikulang pinagbidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto under Viva Films, “Mananatili” at “Tingin”.
Ang six-year-old band ay binuo nung November 2018 ng anim na high school graduating students ng Saint Louis University Laboratory High School in Baguio City na iisa ang passion – musika. Ang mga ito ay sina Raphael Ridao (lead vocals), Edgar Gian Bernardino (lead vocals), Antonio Gabriel `Gab’ Fernandez (lead guitarist), all three from Pangasinan, Raphael `Sevi’ Severino (bassist) from Isabela at si Vixen `Xen’ Gareza from Abra.
Sa simula ay ginawa lamang nila ito for fun pero sa kalaunan ay naging seryoso at committed na sila sa kanilang binuong banda which they called Cup of Joe (mula sa `cup of coffee’) na bigla lamang nilang naisip kahit hindi umano sila mahilig uminom ng coffee.
Hindi nagtagal ay unti-unting naka-gain ng attention ang banda sa Baguio at kasunod na rito ang pag-sign up sa kanila ng Viva Records. Ang kanilang debut single na pinamagatang “Nag-iisang Muli” ay agad napansin and earned for the group Best Regional Song award at the 2019 MOR Awards and a nomination for Best Recording by a New Group mula sa Awit Awards. Sa tulong ng Spotify and social media platforms, unti-unting nakilala ang grupo.
Second single ng grupo ang “Alas Dose” which was released on November 8, 2019 na agad sumikat during the Christmas season.
Nung 2020, dalawang song ang inilabas ng Cup of Joe, ang “Sagada” at “Hayaan” na lalong nagpatatag sa grupo at kasunod na rito ang bago nilang release nung 2021, ang “Bukod Tangi” and their biggest hit song na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko”. The following year in 2021 ay lumabas ang kantang “Mananatili” kasunod ang release ng kanilang debut EP na pinamagatang “Patutunguhan” which was featured on Billboard Philippines list of top albums and EPs of 2023. Ang awiting “Tingin” na collaboration ng Cup of Joe at ni Janine Tenoso ay agad pumasok sa Billboard Philippines Songs Chart at #25 inching its way up to #6. When the song was uploaded on YouTube ng Wish 107.5 FM on July 17, agad itong humamig ng mahigit 1M views.
Naging very supportive din ang Cup of Joe sa iba pang grupo from Baguio na gumawa rin ng sarili nilang pangalan tulad ng Dilaw at Sunkissed Lola.
Dalawa sa mga members ng Cup of Joe ay nagtapos na ng kanilang kurso in college habang ang iba ay college undergrad pa na ang isa ay nag-aaral ng dentistry. But they’re afraid na hindi nila matapos ang kanilang pag-aaral dahil sa kanilang busy schedule ngayon.
Dahil sa busy schedule ng grupo, they decided to stay together in a condo in Metro Manila para mas malapit sa kanilang trabaho.
Dahil na rin sa growing fans ng Cup of Joe, they call them Joewas.
Ang “Silakbo, the Concert” at the Big Dome ay produced ng Viva Live and the Viva Music Group.
Vic kung susundan pa ang mga anak: ‘Kung kaya pa ni Pauleen’
ANG well-loved TV and movie personality, ang veteran singer-songwriter, actor-comedian, producer and celebrity endorser at isa sa mga poste ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na si Vic Sotto ang pinakabagong brand ambassador ngayon ng organic health and wellness products na Sante Barley.
Vic was introduced as Sante Barley’s newest brand ambassador sa pamamagitan ng isang grand mediacon na ginanap in one of the ballrooms of Luxent Hotel in Quezon City.
When Sante Barley endorsement was offered to him, he immediately researched on the product and tried it at nang malaman niya ang positibo nitong epekto sa health ay hindi na siya nagdalawang-isip.
“I only endorse products na aking pinaniniwalaan,” pahayag ni Bossing (Vic) na hindi lamang niya ini-endorso kundi tini-take pa niya araw-araw.
Sante Barley’s Chief Executive Officer Jesus `Joey’ T. Marcelo believes that Vic is a perfect partner of Sante Barley at ito’y umaasa na magtatagal ang kanilang partnership.
The TV host, actor-comedian is living a healthy lifestyle.
Samantala, natanong si Vic kung susundan pa nila ng kanyang wife na si Pauleen Luna ang dalawa nilang anak na sina Tali at Mochi.
“Kung kakayanin pa ni Pauleen, bakit hindi?,” natatawa niyang tugon.
Bukod sa dalawa nilang anak ni Pauleen na sina Tali at Mochi, si Bossing ay may apat pang ibang anak – sina Danica at Oyo Sotto (sa kanyang ex-wife, ang actress na si Dina Bonnevie), si Vico, mayor ng Pasig (sa veteran actress na si Coney Reyes) at si Paulina Sotto (kay Angela Luz). Sampu naman ang kanyang apo – tatlo kay Danica at mister nitong si Mark Pingris, anim sa mag-asawang Vicor at Kristine Hermosa at isa kay Paulina. Kay Vico lamang siya walang apo dahil wala pa itong balak magkapamilya.
Ang samahang Tito, Vic & Joey ay 50 years nang magkakasama. Ayon kay Vic, Joey de Leon has always been like a brother and a family to the Sotto brothers.
In four years’ time ay magsi-celebrate naman ang “Eat Bulaga” ng kanilang 50th anniversary. Ito bale ang longest-running noontime show on television hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Rufa Mae binigyan ni Willie ng P1M bilang tulong sa kaso
NAGPAPASALAMAT ang singer, actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa game show host at producer na si Willie Revillame sa pagtulong nito sa kanya at nagbigay sa kanya ng P1-M dahil bilang tulong pinansyal sa kinakaharap nitong kaso may may kinalaman sa derm clinic scam kung saan ay magkasama sila ni Neri Naig bilang celebrity endorsers na siya palang magpapahamak sa kanilang dalawa para makasuhan.
Bukod kasi sa kinakaharap na kaso ni Rufa Mae kung saan siya naglagak ng P1.7M para sa kanyang pansamantalang paglaya, nagpahayag din ang kanyang mister na si Trevor Magallanes na hiwalay na umano sila at nasa proseso na umano ang kanilang divorce.
Kung si Rufa Mae lamang ang masusunod niya ay gusto niyang buo ang kanilang pamilya alang-alang sa kanilang anak na si Athena. Pero kung anuman ang magiging desisyon ni Trevor ay ire-respeto umano niya ito.
Richard itinanggi na si Barbie ang dahilan ng hiwalayan nila ni Sarah
SA isang panayam, klinaro ni Richard Gutierrez na hindi umano si Barbie Imperial ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng kanyang ex-wife na si Sarah Lahbati. Wala pa umano si Barbie sa kanyang buhay nang maghiwalay sila ni Sarah
Ang dating mag-asawa ay may dalawang anak na sina Zion at Kai which they co-parent.
Excited si Richard sa kanyang bagong serye sa ABS-CBN, ang action drama series na “Incognito” kung saan niya kabituin si Daniel Padilla kasama sina Ian Veneracion, Maris Racal, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Baron Geisler.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.