Loren1

Ang kahanga-hangang buhay ni Loren

October 24, 2021 Aster Amoyo 425 views

LorenWE have always treasured our longtime friendship with award-winning journalist, TV anchor, cultural and environmental champion, three-term senator and currently House Deputy Speaker na si Loren Legarda. Wala itong ipinagbago mula noon hanggang ngayon sa kanyang close friends from the entertainment media.

There were several special occasions na naimbitahan namin si DS Loren at never kaming binigo sa kabila ng kanyang tight schedule.

Aktibo pa siya noon sa kanyang pagiging broadcast journalist ay isa na kami sa mga tagahanga ni Loren sa kanyang mga public affairs program tulad ng “Inside Story,” “PEP Talk,” “The World Tonight,” “Kabalikat Loren Legarda,” “Real Stories Kasama si Loren,” “Tara Tena,” “Manila Envelope” at her latest documentary program series on ANC, ang “Dayaw”.

Loren is Lorna Regina Bautista Legarda, panganay at mag-isang babae sa tatlong anak ng yumaong si Gng. Bessie Gella Bautista at G. Antonio Cabrera Legarda. Ang dalawa pa niyang nakababatang mga kapatid ay sina Gary at AA. She admits being a doting but strict big sister to her younger siblings.

“Unknown to many, manang na manang ako sa mga kapatid ko but I have always been very generous to them,” pag-amin niya.

Since she was a kid, Loren prefers to stay home, read books and study sa halip na kasama niya sa labas ang kanyang mga kaibigan.

Since elementary and high school ay sa Assumption College na siya nag-aral. She graduated valedictorian in elementary at cum laude naman nang siyang magtapos ng degree in broadcast communication sa University of the Philippines and took her post graduate studies at the University of California in Los Angeles, USA. She obtained a master’s degree in National Security Administration from the National Defense College of the Philippines and graduated at the top of her class with gold medals for Academic Excellence and Best Thesis.

Halos naikot ni Loren ang lahat ng TV networks mula sa RPN9, GMA, PTV4 at ABS-CBN at news channel nitong ANC or ABS-CBN News Channel.

Hindi na halos mabilang ni Loren ang iba’t ibang parangal na kanyang natanggap bilang isang respetadong broadcast journalist and TV anchor at kasama na rito ang kanyang pagiging Hall of Famer ng CMMA or Catholic Mass Media Awards, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), TOYM or Ten Outstanding Young Men mula sa Philippine Jaycees (in 1992), The Outstanding Women in the National Service (TOWNS) in 1995, ang Benigno Aquino Award for Journalism in 1995, Gawad Cultural Center of the Philippines and a lot more.

Unknown to many, si Loren ay naging bahagi ng musical show na “Discorama” in 1975 kasama ang yumaong TV host-producer na si Bobby Ledesma at ang APO Hiking Society. Pero sa halip na ipagpatuloy ni Loren ang kanyang showbiz career ay mas pinili nito ang pagiging broadcast journalist. There was also a time na nakapag-guest siya (as herself) sa isang award-winning movie, ang “Markova: The Comfort Gay” na pinagbidahan ng yumaong comedy king na si Dolphy in 2000.

“I was so proud of that movie kahit cameo role lang ang ginampanan ko,” pagbabalik-tanaw ni Loren who is well-loved ng mga taga industriya dahil sa kanyang magandang PR at pagiging down-to-earth.

Even as a kid ay very enterprising na si Loren. Habang nag-aaral, nagbebenta na rin siya noon ng mga Betamax tapes sa harap ng kanilang ancestral house in Malabon at kumikita na umano siya noon ng P1,000 a day.

Loren is a multi-tasking and productive person. Ayaw niyang maging idle at walang ginagawa kahit nasa bahay lang siya. Unknown to many, she’s a loner. At home (back in Malabon) ay gustung-gusto niya ang kampay ng mga dahon ng iba’t ibang puno na nakapalibot sa kanilang malawak na garden. Gustung-gusto rin umano niya ang mga huni ng ibon. Dito umano siya nare-relax nang husto when she’s alone. Growing up, since parehong may trabaho noon ang kanyang parents, nakagabay sa kanya ang kanyang longtime nanny na isang Ilocana who served as her second mother up now at 88 years old.

“She’s very caring but strict. Kahit Grade 4 lang ang kanyang inabot, siya ang nagturo sa akin sa assignments ko, siya rin ang nagbasa sa akin ng book bago ako matulog. I grew up like this not just because of my parents kundi dahil na rin sa gabay ng aking Nanay (her nanny),” kuwento pa ni Loren who loves her nanny dearly.

Dahil palibot ang kanilang ancestral house in Malabon ng mga halaman at maraming tanim na puno, doon nagsimulang mamulat si Loren ng kanyang pagmamahal, pangangalaga at malasakit sa kalikasan hanggang ito’y kanyang maging adbokasiya maging ang sarili niyang kampanya sa pangangalaga at pagpi-preserve ng cultural heritage ng bansa.

LizLiz buntis na sa pangalawa nang mag-propose ang mister

IT was on September 20, 2017 nang isilang ng celebrity stylist na si Liz Uy ang kanyang first baby na si Xavi sa Amerika but it was only the following year nang kanyang ipakilala sa publiko ang kanyang baby courtesy of her boyfriend then, ang businessman na si Raymond Racaza whose marriage sa kanyang ex-wife na si Dr. Geraldine `Ging’ Zamora was annulled on the same year. Si Raymond ay may isang anak sa kanyang ex-wife, a girl na si Nala.

Three years later, Liz was already heavy with her second child na si Mati when Raymond proposed to her and got married in October 2020. March 2021 naman nang isinilang ang kanilang second son na si Mati.

It was Liz’s close friend Isabelle Daza who introduced her to her husband in May 2016.

Ang ex-wife ng tech CEO na si Raymond na si Dr. Ging na isang internist at rheumatologist is now engaged to cardiologist na si Dr. Lauro `Sonny’ Abraham. Ang parents ni Dr. Zamora ay pareho ring respected doctors.

NikkoNikko pakakasalan na ang partner

ANG dancer-actor at ex-PBB housemate na si Nikko Natividad ay nagmula sa isang segment contest ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime,” ang “Gandang Lalake” in 2014, apparently, ang katapat ng popular segment noon ng “Eat Bulaga” on GMA na “Mr. Pogi”.

Bukod sa pagiging bahagi ng #Hashtags, si Nikko ay naging bahagi rin ng reality show na “Pinoy Big Brother” kung saan niya inamin na meron siyang anak, isang boy na si Aiden, sa kanyang longtime partner na si Cielo Eusebio, now his fiancée.

Just a couple of days ago ay nag-post ang dancer-actor sa kanyang YouTube channel ng kanilang nakakatuwang pre-nup video ni Cielo. Naging kakaiba ito dahil ginaya nila ang lead characters ng ilan sa kanilang mga paboritong pelikula tulad ng “She’s the One” nina Bea Alonzo at Enrique Gil, “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at ang top-grossing Filipino film of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

After seven years of being together ay ikakasal na rin sa wakas sina Nikko at Cielo pero hindi pa nagbibigay ng iba pang detalye ang couple tungkol dito.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on my Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE