Jesi Jesi Corcuera’s Baby Ninja

Ang dahilan ng transman na si Jesi Corcuera kung bakit ginusto niyang magkaroon ng sariling anak

December 13, 2024 Eugene E. Asis 153 views
Jesi1
Jesi Corcuera

NA-AMUSE ang karamihan nang ihayag ng transman na si Jesi Corcuera mga ilang buwan na ang nakararaan na siya’y buntis. At nito ngang December 11 ay in-announce niya sa kanyang Instagram account na siya’y nanganak na ng isang baby girl na pinangalanan niyang Baby Ninja.

Si Jessi, kung matatandaan, ay naging contestant sa “StarStruck: The Next Level” ng GMA7 noong 2006 kung saan nakasama niya sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paulo Avelino at Chariz Solomon. Naging housemate din siya ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Proud na proud na ipinakita ni Jesi sa publiko ang picture ng kanyang baby girl na dumedede sa pamamagitan ng isang feeding bottle.

Mabilis ding ibinalita ng talk show host na si Boy Abunda ang panganganak ng transman sa kanyang afternoon show sa GMA kung saan na-interview niya si Jesi.

Oktubre ng taong ito nang matapang na ihayag ni Jesi ang kanyang pagbubuntis.mily Greetings

“Hindi siya biro. Financially, emotionally, mentally, lahat po talaga. Mas malala pa siya sa rollercoaster,” sabi noon ni Jesi.

Nabanggit din niya na kinailangan niyang itigil ang pag-inom ng hormones para tumaas ang estrogen levels sa kanyang katawan na higit sa testosterone.

Ibinunyag din ni Jesi na isang foreigner na nasa Pilipinas ang naging sperm donor sa pagsailalim niya sa artificial insemination at hanggang ngayon ay nakakausap pa rin niya ang lalaki.

Balikan natin ang Instagram post niya tungkol sa desisyon niya tungkol sa kanyang pagbubuntis:

“Sa lahat ng gagawan ko ng caption, ito na yata yung pinakanahirapan ako.

”Alam ko mahihirapan din kayong intindihin kung paano ito nangyari.

”2018 nung simulan kong planuhing magkaroon ng anak. Pero that time, maraming struggles, lalo na financially and hindi rin naman biro ang gastos sa unang plano kong mag-IVF.

”Hanggang sa bumalik sa buhay ko si Cams (Camille, ang kanyang partner) pati ang mga bata (mga anak ni Camille). Naisip kong parang sign na yata ito ni Lord sakin. Baka ito yung warm-up Niya para sakin kung paano ako magiging magulang soon. Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, maraming naging realizations. Isa na dun yung baka may chance pa pala akong magkaroon ng sarili kong anak.

”Fast forward ngayong taon, di ko in-expect na mabubuo siya through my last option na ako ang magdadala pero sobrang thankful ako na pinagkaloob ito ng Diyos sa akin.

”Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung anong nakikita niyo ngayon.

”Simple lang naman ang gusto ko, yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin. Alam kong may mga anak akong inako kay Cams at walang mababago dun sa pagdating ni “Ninja” (nickname ng baby ko Hahaha). Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, malaki ang naging parte ng mga bata at ni Cams sa kung ano ako ngayon.

”Samahan niyo kami sa bagong journey ng buhay kong ito. At sana kapulutan ng aral at inspirasyon ng marami.”

AUTHOR PROFILE