
Ang dahilan kung bakit ayaw ipakita ni Maja ang mukha ng anak
FORMER Kapamilya star, singer, dancer, award-winning actress, celebrity endorser and talent manager Maja Salvador was renewed as one of the brand ambassadors of the leading skin and health brands Beautederm. Ang formal contract signing with Beautederm (on her 5th year) ay ginanap sa Forum A&B ng Solaire North nung nakaraang Miyerkules ng tanghali, March 26, 2025 with the president and CEO of Beautederm na si Rei Anicoche-Tan.
Sobrang grateful si Maja sa kanyang Manang Rei dahil more than her being a brand ambassador ng Beautederm, she found an elder sister in the company’s lady boss.
“Manang Rei is like a big sister to me,” deklara ni Maja.
“We share a lot of things (personal) laluna when it comes to parenting because I am a brand new mom,” aniya.
“Si Manang Rei ang madalas kong tinatawagan at marami kaming napapagkuwentuhan. She’s a genuine friend more than a boss,” patuloy pa niya.
May mutual admiration sa isa’t isa sina Rei at Maja dahil pawang magaganda rin ang sinasabi ni Rei kay Maja.
“Maja is my little sister,” ani Rei.
“Sobra akong na-touch sa kanya when she personally came (to Angeles, Pampanga) to greet me on my birthday. She even hosted an intimate birthday party for me,” pagbabahagi naman ni Rei.
“More than being my brand ambassadors, I treat them as mga anak-anakan ko o mga kapatid ko. Pamilya ang turing ko sa kanila at hindi naiiba si Maja. She’s so sweet,” pahayag pa ng lady boss ng Beautederm.
Isa rin umano si Maja sa napakasipag mag-promote as celebrity endorser ng Beautederm at ang maganda rito, ginagamit niya talaga ang mga produkto ng nasabing brand.
“Hindi pa po ako brand ambassador ng Beautederm ay ginagamit ko na talaga ang produkto kasi parati akong binibigyan ni Kakai (Bautista),” kumpisal ni Maja.
“Ngayon hindi ko na kailangang manghingi kay Kakai,” natatawa pa niyang kuwento.
Maja belongs to the showbiz royalty ng mga Salvador (being the daughter of the late Ross Rival) with the late Lou Salvador, Sr. as her paternal grandfather, habang uncle naman niya ang yumaong actor, director at producer na si Leroy Salvador, Jr., Phillip Salvador, Ramon Salvador at mga tiyahin niya ang mga yumao na ring sina Mina Aragon at Alona Alegre. The late Jon Hernandez was her half-brother (sa ama), OPM icon Miguel Salvador is her cousin habang ang anak nitong si Janella Salvador ay pamangkin niya. Pinsang buo naman niya sina Jobelle Salvador at Deborah Sun.
Maja is married to businessman Rambo Nunez (Ortega) at meron na silang isang anak, si Maria Reanna Salvador Ortega na siyang dahilan kung bakit siya nagpahinga sa showbiz for a while.
Maria is turning 1 year old sa darating na May 31,
Now that Maria is turning 1, she’s back in showbiz at nagpapasalamat siya sa kanyang ever-supportive husband na si Rambo dahil pinayagan siyang magbalik-showbiz and do what she loves most – singing, acting, dancing and hosting.
Samantala, during her contract signing, ipinaliwanag ni Maja kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ibinabahagi ang mukha ng kanyang anak na si Maria sa publiko. Takot umano niyang ma-bash ang anak niya. Matatanggap umano niya ang bashing ng ibang tao sa kanya pero hindi ang mga mahal niya sa buhay laluna ang anak niya.
“Gusto ko ring i-protect ang anak ko,” aniya.
“Natatutuwa naman ako sa mga kaibigan ko na hindi sila nagsi-share o nagpu-post ng mukha ni Maria even if they take pictures of her,” patuloy pa niya.
Maja is back at co-hosting sa noontime program na “Eat Bulaga” and she’s starting a new series sa TV5 and a new movie.
Parati niyang dinadala si Maria wherever her work is kaya marami na rin ang nakakakita sa bata na napaka-cute umano.
Maja married her businessman husband Rambo Nunez (Ortega) nung July 31, 2023 at Apurva Kempinski Bali in Indonesia kung saan isa sa mga tumayong ninang ay si Rei Anicoche-Tan, ang president-CEO ng Beautederm.
Sino si Earl Agustin?
BIG deal sa 24-year-old singer-songwriter at hitmaker na si Earl Agustin ang kanyang experience as front act sa sold-out Araneta Coliseum concert ng grupong Cup of Joe (ng Viva Records) last February 8, 2025.
“I was so nervous but at the same time excited performing sa harap ng libu-libong tao sa loob ng (Araneta) coliseum,” pahayag ng Ozamiz City pride na si Earl.
Earl emerged as one of the biggest OPM stars sa kasalukuyan, setting unprecedented records and reshaping the local music industry.
Ang soulful singer-songwriter ay ipinanganak, lumaki at nagtapos (La Salle University-Ozamiz) sa Ozamiz City.
His #1 song “Tibok” on Spotify PH for over 32 weeks now ay sinulat niya when he felt heartbroken sa babaeng crush niya na hindi naman niya niligawan.
Bukod sa “Tibok,” ang iba pa niyang hit songs include “Dalangin,” “Aya,” “Dito sa `kin” at “Tapos Na” habang ang kanyang pinakabagong kanta ay pinamagatang “Pag-ibig ng Ikaw at Ako”.
Naging viral ang “Tibok,” the first OPM song to surpass 2 million daily streams on Spotify, achieving a staggering 2,092 million streams sa loob lamang ng isang araw- the highest peak ever recorded on Spotify PH charts which extends across all major streaming platforms, holding the #1 position of Spotify PH, Apple Music PH, YouTube PH and iTunes PH. Bukod sa “Tibok,” he has multiple songs na sunud-sunod na pumasok sa Spotify PH’s Top 50 at kasama na rito ang “Dalangin” at #7, “Aya” #32, “Dito Sa Akin (#50).
Lalo lamang nanatili sa #1 position ang “Tibok” nang ito’y maging bahagi sa soundtrack ng hit series on Viva One, ang “Mutya ng Section E” kung saan tampok na mga bituin ang mga baguhang actors na sina Andres Muhlach, Ashtine Olviga at Rabin Angeles.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.