Andrea

Andrea, tumigil sa pagsamba sa BTS

August 7, 2021 Vinia Vivar 371 views

Tinantanan na pala ni Andrea Brillantes ang pag-idolo sa sikat na Korean boy group na BTS dahil ayaw daw siyang tigilan ng mga basher.

“Nagkaroon ako ng obsession sa kanila (BTS), tapos binash ako ng buong ARMY (tawag sa fans ng BTS). Dahil lang nagustuhan ko ang BTS,” tsika ni Andrea sa kanyang latest vlog.

Natatandaan nga namin na sobrang pamba-bash ang naranasan noon ni Andrea mula sa fans ng BTS three years ago.

Sa pagkakatanda namin ay umabot pa sa puntong binantaan na siyang patayin. Tinawag siyang poser, fake fan, bandwagon at kanser.

“Sobrang grabe ng hate, parang natakot na rin ako silang mahalin. Sabi ko, sige na nga, ‘di na lang ako magmamahal ng kahit ano, char!” sey ni Andrea.

“Ngayon, wala na akong pake actually. Na-realize ko na lahat ng mamahalin ko, lahat ng magiging fan ako ng something, ihe-hate nila ako, so hamu na lang, wala na akong pake,” pahayag pa ng isa sa mga bida ng Kapamilya seryeng Huwag Kang Mangamba.

Although gusto pa rin naman daw niya ang South Korean girl group na Blackpink at mas nauna niya itong minamahal kesa BTS.

AUTHOR PROFILE