Andrea

Andrea pinuyat ng daring scene nila ni Jake

March 5, 2025 Vinia Vivar 196 views

Maging si Andrea Brillantes ay hindi inakalang magagawa niya ang daring scene with Jake Cuenca sa “FPJ’S Batang Quiapo.”

Kagabi napanood ang first episode ng aktres at bago nga ito ay ipinakita na sa teaser ang steamy love scenes nila ni Jake na pinag-usapan nang husto ng netizens sa social media dahil ito ang first-ever daring scene niya.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN kay Blythe (Andrea), sinabi ng aktres na ang pagtanggap ng mature role ay personal decision niya.

“This one, mas daring siya compared to my other roles. Mas level up siya. Mas matured nga siya. Parang hindi ko rin inakala na gagawin ko, or maiisipan kong gawin,” sey ni Andrea tungkol sa daring scene.

Aminado ang aktres na a night before her first taping day ay hindi talaga siya nakatulog.

“Medyo hindi ako makatulog kagabi, ang plano ko talaga dapat maaga ako matulog. Pero hindi ako makatulog kasi kakaisip ko na ano kayang mangyayari bukas? Pero pagdating ko naman dito, ang gaan ng set, ang gaan ng katrabaho ng lahat. Kahit yung mga artists, staff and crew,” aniya.

Sa isang separate video naman na ipinost sa Instagam ng CCM Film Productions ni Coco Martin ay makikita si Andrea sa first taping day.

Sey ni Blythe sa kanyang mga eksena, “Ang bigat, ang intense, iyak agad ako.”

Dagdag pa niya, “Actually, medyo nagiging proud nga ako sa sarili ko, nakaka-keep up ako sa pagiging fast-paced ng set na ‘to. Nakaka-excite rin actually kasi it’s a new experience for me.”

Ginagampanan ni Blythe sa “FPJBQ” ang role na Fatima na mula sa pamilya ng scammers (Benito family).

AUTHOR PROFILE