Andrea

Andrea numero uno, Vice sadsad sa TikTok

January 7, 2022 Vinia Vivar 204 views

ViceSi Andrea Brillantes pa rin ang nanatiling may pinakamalaking following sa TikTok among Filipino celebrities for the year 2021.

Inilabas ng Tiktok sa Facebok account nito ang Top 10 TikTok Celebrities at nangunguna rito si Andrea na ngayon ay may 15.6 million followers na.

Matatandaang noong 2020 ay si Andrea rin ang nag-number one sa TikTok bilang Most Followed Celebrity and that time ay 8.8 million pa lang ang followers niya.

Take note na in just one year ay dumoble ang bilang ng kanyang subscribers.

Pumapangalawa naman kay Andrea si Sanya Lopez with 11.8M followers habang ang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Alawi ang pumangatlo with 11M followers.

Ang Korean actress na si Dasuri Choi ang pang-apat with 10.7M followers followed by Maymay Entrata (5th) with 8.6M subscribers.

Si Vice Ganda, na nasa 3rd spot noong 2020, ay bumaba ngayon at pang-anim na lang siya.

Kasama rin sa top 10 sina AJ Raval, Kyline Alcantara at Sofia Pablo.

ANGELIKA, FRUSTRATED NA SA PANDEMYA

Bilang Kapitana ng Barangay Longos, Malabon, sobrang naaalarma rin si Angelika dela Cruz sa pagtaas na naman ng COVID-19 cases ngayon.

Siyempre, hindi lang ang kanyang pamilya ang iniintindi at pinag-iingatan niya sa virus kundi ang buong barangay din niya.

“Ngayon, mahirap uli, eh. ’Pag tumataas kasi ang bilang ng COVID, siyempre, marami na naman akong trabaho. Actually, isang oras pa lang akong natutulog,” sabi ni Angelika sa digital mediacon ng Little Princess, ang bago niyang teleserye sa GMA-7.

“Umuwi ako kanina, umaga na. Kasi from zero, biglang 90 plus ‘yung positive cases namin. Tapos, pending pa sa result ‘yung iba.

“Eh, isa sa mga ginagawa namin do’n, kami ‘yung sumusundo at nagdadala sa isolation center. Tapos, ako rin ang nagbibigay ng pagkain para sa families nu’ng mga nag-positive. Kaya hanggang late (in the evening), nagre-repack ako,” kwento ni Angelika.

Aminado siyang hirap at sobrang frustrated na rin siya sa pandemic na magta-tatlong taon na rin ngayong March.

“Ang hirap talaga. Nakaka-frustrate ‘yung pandemic na ‘to. Kasi mare-relax ka lang sandali, babalik uli, magre-relax ka lang, babalik uli. Oo, eh. Para ka lang pinaglalaruan, ’di ba?

“Saka nakakaawa ‘yung malalalang cases. Nakakaawa ‘yung family nila. Lalo na ‘yung mga walang-wala, kasi talagang ang hirap. Nakakaawa,” she said.

Bukod pa nga riyan, syempre ay natatakot din siya for her family kaya nga pinaalis muna niya ang mga anak niya sa Malabon.

“’Yung mga anak ko, hindi ko kasama. Sa Batangas sila nakatira, ako lang ‘yung nandito sa Malabon kasi siyempre, ayoko silang i-risk. Kung magkasakit man ako, at least, hindi sila mahawa. Mahirap. Sacrifice talaga,” aniya.

Mabuti na nga lang daw at tapos na ang lock-in taping nila ng Little Princess bago pa nagkaroon ng surge ng cases.

Samantala, pinagbibidahan ni Jo Berry ang Little Princess na magsisimula sa Jan. 10 (Monday) sa GMA Afternoon Prime.

Gagampanan ni Angelika ang nanay ng karakter ni Jo.

Kasama rin sa cast sina Juancho Trivino, Rodjun Cruz, Jestoni Alarcon, Jenine Desiderio, Therese Malvar at marami pang iba mula sa direksyon ni LA Madridejos.

AUTHOR PROFILE