Larawan: Andrea Brillantes/IG
Andrea nakita ng personal si Taylor Swift, napaluha
PARANG nakakagutom ang dating ng outfit ni Kapamilya star Andrea Brillantes habang nanonood ng “Eras Tour” sa Japan ni award-winning singer-songwriter Taylor Swift.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Blythe ang kanyang get-up para sa nasabing concert: nakasuot siya ng French fries outfit at ang kanyang bag ay animo’y burger.
“I know I had the best day with you today. ✨,” ani Andrea. “Taylor Swift + My Sisters + Tokyo = best day”
Napakita pa ni Andrea na tila napaluha sila kasama ang kanyang mga kapatid nang makita nila si Swift nang personal habang sila ay nasa audience.