Andrea

Andrea nagpaliwanag sa pinaglumaang TikTok challenge

November 21, 2024 Vinia Vivar 72 views

Sinagot na ni Andrea Brillantes kung bakit na-late siya sa paggawa ng TikTok trend na “Piliin Mo ang Pilipinas” na nauso ilang buwan na ang nakararaan.

Matatandaang nag-post ang aktres ng kanyang entry a few days ago na talaga namang nag-viral at nag-trending kahit late na.

In fairness, ang daming pumuri sa video ni Blythe (Andrea). Napakaganda naman talaga kung saan ay 35 looks lahat ang kanyang ginawa, including Darna, Maria Clara, Miss Universe, OFW, farmer, driver, magtataho, Katipuneros, security guard, etc.

Pero marami rin ang nagreklamo na super-late na ang entry ng aktres dahil ang uso na nga raw ngayon ay ang “APT Dance Challenge.”

Sa kanyang latest Instagram post ay nagpasalamat si Blythe sa suporta ng mga tao sa kanyang video and at the same time ay sinagot din niya kung bakit late na niya ito nagawa.

“35 looks. 18 hours. Thank you so much for all the love my video has been receiving. You don’t know how much this means to me.

“To my amazing team, thank you so, so much for helping bring my vision to life!” simula ng aktres.

Ayon kay Andrea, noong May pa raw niya naiisip itong gawin pero naging busy siya that time.

“This idea had been on my mind since the end of May, but at that time, my schedule was too hectic, and the trend was already fading. Medyo alanganin na kung itutuloy ko pa.

“I could have pushed through, but I would’ve had to simplify my vision for this challenge. I didn’t want to compromise because I wanted to give my best effort to represent every Filipino and truly capture what it means to be one,” paliwanag ng aktres.

“I dedicate this saating mga Bayani who fought for our freedom, to our families who serve as the heart of our culture, to our modern-day heroes, our indigenous communities, our global icons and national pride, and every hardworking Filipino out there,” patuloy niya.

Ipinaliwanag din ni Andrea na hindi niya ito ginawa para makiuso o maki-trend kundi nais niyang ipakita ang pagmamahal niya sa mga kapwa-Pilipino at kung gaano siya ka-proud sa kanyang lahi.

“In the end, I decided to go for it before the year ended because this wasn’t just about following a ‘trend.’ I did it to show my love for Filipinos and how proud I am to be Pinoy!” pagtatapos ng aktres.

AUTHOR PROFILE