Andrea nag-panic nang mabalitaan ang concert ni Olivia Rodrigo sa ’Pinas
Bawal magkaroon ng schedule si Andrea Brillantes sa October 5.
Ang dahilan? Manonood siya ng concert ng idol niyang si Olivia Rodrigo.
Upon learning na magkakaroon ng concert ang nasabing sikat na Filipino-American singer-songwriter sa Pilipinas (sa Philippine Arena), ayon kay Andrea, nag-panic siya.
Ni-repost niya sa kanyang Instagram Story ang poster ng concert ng kanyang idolo at sey niya sa caption, “A lot of ppl have been mentioning me, yes I got the memo, yes nagpa-panic na ako.”
Aniya pa sa sumunod na post, “Nakalimutan ng lungs ko na mag breathe. Oh. my. gosh.”
Saad pa niya, “Hindi ako pwede magka schedule ng Oct 5! Block off yan block off!”
Matagal nang fan si Blythe ng nasabing sikat na Fil-Am pop singer.
In fact, nai-post na niyang minsan na ang nasa top 5 playlist niya ay mga kanta ni Olivia tulad ng “Bad idea, Right?,” “American Bitch,” “Lacy,” “Vampire” at “Get him back.”