
Andrea mas naghanda para kay Coco kaysa naunang pinagbidahang serye

NGAYONG nasa FPJ’s Batang Quiapo na si Andrea Brillantes, iisa lang ang kanyang wish: ang magtagal ang kanyang karakter sa naturang primetime action series.
“Yes, gusto ko po talaga magtagal. Kailangan ko pong galingan, para hindi po ako i-tegi, ayoko po, eh! Naririnig n’yo po ba?,” bulalas nito, sabay tingin sa litrato ng bida at direktor ng how na si Coco Martin sa hallway of ABS-CBN.
Sabi ng magandang aktres, mas pinaghandaan pa niya ang ‘Batang Quiapo’ kaysa sa mga pinagbidahan niyang serye tulad ng “Senior High” at “High Street.” Ang dahilan, mas mature na ang papel niya ngayon.
“I think yes, I am ready for more mature roles. We have this thing na kapag mature roles, parang daring sexy na. It’s more of like, for me leveling up pa kasi yung mga kasama ko talaga mga bigating veterans.
“Ako po yung dapat na lumevel up sa kanila. I need to embrace itong role na binigay sa akin. I need to step up my game!” paliwanag pa ng aktres.
Excited pero kinakabahan si Andrea.“At first, natuwa ako. Pero kinabahan din ako. It is a great opportunity for me as an actress but at the same time, alam ko kasi iba ang…may sariling flavor si Direk Coco.
“May sarili siyang timpla sa set kung paano ang script, alam naman natin kung paano walang script sa set ng Batang Quiapo. Of course, I took the opportunity, I’m happy, excited but still nervous,” pahayag ni Andrea sa news report ng ABS-CBN.
“I admit it. Talagang kinakabahan po ako yes, iniisip ko siya daily. Minsan five times a day, I think about it more than I eat pa nga, eh.”
Pagpapatuloy pa niya, “Yun mga kasama ko po, sobrang bigatin nila. Nung una, super happy lang ako eh. Pero when I got there, may storycon, merong press, yung mga kasama ko sa set, (sabi ko sa sarili ko), what am I even doing here?
“Pero nagtiwala sila sa akin, ibig sabihin naniniwala sila na meron akong ibubuga. So, kailangan ko, to live up to their expectations. I will try my very best,” pagtatapos ni Andrea.