
Andrea hinagisan ng motel card ng lalaking fan
Viral at umaani ng milyon-milyong views ang video ni Andrea Brillantes na ipinost ng isang netizen sa TikTok.
Makikita sa viral video na nakasakay sa float ang aktres habang nagkakagulo naman sa kalsada ang kanyang fans.
Isang fan ang lumapit kay Blythe at inabutan siya ng card na tinanggap naman ng aktres.
Pero nang makita niya kung ano ang card ay naloka siya at natatawang hinagis agad ito pabalik sa lalaking nagbigay.
“Hoy!” ang natatawang sabi ni Blythe sabay-hagis ng card.
‘Yung pala ay motel card ang ibinigay ng guy sa aktres.
“’Yung binigyan ka ng sogo card HAHAHA,” caption ng TikTokerist.
Pati ang mga netizen ay natawa sa reaksyon ni Andrea.
“Cute… she is so real for this. not plastic,” komento ng isang user.
“Pinamigay kasi yan during (parade) tas may naka lagay jan na 20% discount yata HAHAHAHA,” sabi naman ng isa pa.
“Hahhahhaha atlis di nmn sya napikon or na offend,” sey naman ng isa pa.