Andrea bumuwelta sa basher na nagsabing retokada siya
Sinagot ni Andrea Brillantes ang isang basher na nagsabing baka niretoke lang ang kanyang mukha kaya siya maganda.
Sa kanyang TikTok account ay ipinost ng aktres ang kanyang face card when she was nine years old at sinabing noon pa ay maganda na siya with or without enhancements.
“Pretty since day one baby. pretty with or without enchantments,” caption ni Blythe (Andrea’s real name).
Marami naman sa netizens ang sumang-ayon sa aktres.
“Maganda yan sya since birth pa,” komento ng isang TikTok user.
“Me na di naniniwala na may pinagawa si Blythe sa face nya. Sobrang ganda tlg nya,” sey naman ng isa pa.
Matatandaang si Andrea ang nakakuha ng no. 1 spot sa “100 Most Beautiful Faces” na inilabas ng TC Candler bago matapos ang taong 2024.
Masayang-masaya ang aktres sa rekognisyong natanggap.
“Napakalaking honor po na maging top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler. This isn’t just about beauty, it’s about confidence, uniqueness, and embracing who you are,” pahayag ni Blythe sa panayam ng ABS-CBN.
“Kaya sana ma-inspire ko po kayong lahat to celebrate your own kind of beauty,” aniya pa.