Andrea Brillantes

Andrea Brillantes umaming ‘gantitera’

September 24, 2023 People's Tonight 322 views

INAMIN ng model-actress na si Andrea Brillantes na siya ay mapaghiganti pagdating sa isang relasyon.

Sa latest vlog ng model-actress at Youtuber na si Ivana Alawi, sa segment nila na Q&A, tinanong si Andrea kung ano ba ang kaniyang toxic behavior.

Prangkahang inamin ng “Senior High” star na siya ay “gantitera.”

Nilinaw naman ni Andrea na ginagawa naman niya ang lahat upang baguhin ang kanyang toxic behavior na ito.

“Pero ito po promise binabago ko na siya. As in binabago ko na po siya. I’m trying my best. Gantitera po ako,” sey ng model-actress.

Tanong naman ni Ivana kay Andrea, “What’s gantitera?”

Pahayag ni Andrea mapaghiganti lamang siya pagdating sa relasyon at hindi sa ibang aspeto. Binuking pa niya na kung ano raw ang ginagawa ng kaniyang karelasyon ay gagawin niya rin o hihigitan para masabing pantas sila.

“Gumaganti po. Pero ano lang po, applicable lang po ‘to if relationship. Like kapag sa out of the relationship at minali mo ‘ko, I just cut you off. Pero like sa relationship po, gantitera ako,” wika ng aktres.

“Like ‘Ah pa-party ka? Okay pa-party din ako!’ Parang – ‘yun po. Ano ako, I really like to get even or I even get worse parang gano’n. May gano’n po akong ugali,” aniya pa.

“Pero at least honest naman siya,” sey naman ng Youtuber.

Sa kasalukuyan daw ay mas pinipili na lamang ni Andrea na kimkimin ang mga bagay at pairalin ang kabutihan sa kanya. Mas gumanda raw kasi ang kaniyang buhay noong hindi niya pinairal ang kaniyang toxic behavior.

“Tapos as in talagang binabago ko na kasi hindi po talaga matatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali,” paliwanag ng aktres.

“Ta’s ngayon nung may nangyari sa’kin, ta’s this time, triny ko po it took everything in me na talagang isang buwan, isang linggo akong galit na galit pero ang pinili ko lang talagang kimkimin siya tapos magdasal lang ako ta’s nung pinairal ko ‘yung goodness in my heart at huwag magpadala sa katoxic-an ko. Naging maganda ‘yung buhay ko,” sey pa ni Andrea.

AUTHOR PROFILE