Andrea

Andrea Brillantes tungkol sa mga bagong manliligaw at solo travel

January 22, 2025 Eugene E. Asis 98 views

Andrea1NAHIHIYANG inamin ng magandang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na may mga manliligaw siya ngayon pero wala pa rin siyang sinasagot sa mga ito.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang relasyon niya sa basketball player na si Ricci Rivero na nagwakas noong isang taon.

Sa Star Magic Spotlight presscon na ginanap sa Coffee Project, maaliwalas ang kanyang mukha at game na game niyang sinagot ang mga tanong sa kanya ng mga piling entertainment writers na inimbita.

“Meron naman po talaga (manliligaw), pero hindi kasi ako nakaka-focus du’n, lalo na last year. Talagang inaamin ko na sorry, pero I don’t really date or hindi ganyan ‘yung hinahanap ko,” sagot ni Andrea.

Now at 21, ano ba ang hinahanap niya?

“Nu’ng nagdadasal ako kay Lord, sabi ko, actually I think nakapag-heal na ako, not 100% because I know nobody is 100% healed.

“I think ang laki na ng growth ko from last year. But at the same time, what if I’m just being isolated? Baka lumalayo lang ako pero hindi pa ako nakakapag-heal.

“So sabi ko, ‘Lord, I don’t know, maybe I can? Kung may darating or what, I’m open to it. I also want to be intentional about it,’” paliwanag niya.

Samantala, ibinalita ng dalaga na na-achieve niya last year ang pangarap na makapag-travel nang mag-isa at plano niyang maulit ito ngayong 2025.

“I travel scared. Sa mga hindi nakakaalam, takot ako sa planes, takot ako sa big, big rooms.

“May scoliosis din ako, so hirap ako magbuhat. Claustrophobic din ako. Ang dami kong mga phobia, dami kong ganun.

“So hindi ako ‘yung pinakaiisipin mo na magta-travel. Hindi ako ‘yung pinaka-eligible for solo traveling kasi ang dami kong kinatatakutan. But I still do it afraid.

“I do it alone and afraid kasi ayoko hinahayaan na ‘yung fears ko ang mag-stop sa akin from having fun and doing what I want to do,” aniya pa.

Bakit napili niyang puntahan ang Vienna?

“Napili ko ang Vienna kasi nagre-resonate ako sa kanta ni Billy Joel na ‘Vienna,’” paliwanag ni Andrea.

Ang mensahe ng awiting ito ay nagpaalala sa kanya na maghinay-hinay sa trabaho, lalupa’t marami naman na siyang natupad.

“2024, parang ang dami kong gustong gawin talaga pero so little time lang talaga. Ang dami kong gusto. Lahat tinatry ko i-juggle and kailangan ko lang mag-sit back noon,” aniya.

Bilang isang actress, influencer, endorser, at entrepreneur sa batang edad, naisip niyang tila nga masyado siyang nagmamadali.

“Nakaramdam din ako ng pressure na parang ‘Tama ba ginagawa ko na nasa 21 na ako? Enough ba yung mga achieved ko ngayong edad na ito?’ May mga goals pa kasi ako pagtanda ko,” patguloy niya.

Nagustuhan din ni Andrea ang Vienna dahil sa isang biyahe, may dalawang kasing-edad niyang babae siyang nakilala. At taga-Vienna sila. “Pinuntahan ko sila and we spent the night together,” kuwento pa niya.

Bukod sa Vienna, pumunta rin si Andrea sa Prague sa Czech Republic at Budapest sa Hungary.

Hindi ba siya natatakot?

“Ang lakas din kasi yung belief ko na I am divine and protected (by God). do it scared guys! I swear. Yung scared na yun, magiging F-U-N,” aniya na ini-spell pa ang salitang FUN na nagpalaki ng mata ni Thess Gubi ng Star Magic. (Baka nga naman kung saan mapunta ang salitang FUN, di ba?)

“I do it alone and afraid kasi ayaw ko yung fears ko iyong magstop sa akin from having fun and from doing I want to do. I know I want to travel, I want to explore the world pero I’m scared pero ayaw ko magpaapekto sa takot ko,” patuloy ng dalaga.

“Gusto ko siya (travel) maging annual thing na mayroon akong solo travel every year pero this year di ko alam, parang gusto mag-ipon this year, parang medyo pahinga muna,” sabi ni Andrea habang tumatawa. At lalong lumabas ang kanyang ganda.

AUTHOR PROFILE