
Andrea, bet maka-date si David
Matapos ang breakup with Ricci Rivero last May, ine-enjoy ni Andrea Brillantes ang kanyang pagiging single ngayon at pahinga muna ang kanyang puso.
Sa kanyang latest vlog kasama ang mga kaibigan ay naglaro sila ng game na “Date or Pass” na maihahalintualad sa “Jojowain or Totropahin” game. May mga listahan sila ng guys at sasagutin nila kung “date” or “pass.”
Pero sa umpisa pa lang ng vlog ay nilinaw nani Blythe (real name ni Andrea) na hindi siya naghahanap ng bagong jojowain.
“As you all know, it’s only been a couple of months na naging single ako and I am not looking for a man, or a commitment, or a boyfriend, as of right now,” simula ni Andrea.
Pinalitan niya ng “date or pass” ang “jojowain or totropahin” dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Ricci na sinabi niyang totropahin noong una pero naging jowa in the end.
“So, the term ‘jojowain’ is just too serious for me. Ayoko ng ganoon, eh. And, of course, ayoko lang maulit ‘yung before na sabi ko totropahin and then he became my boyfriend. Hindi na tayo for the memes,” aniya.
Nang maglaro na sila ng game, isa sa listahan ay si Kyle Echarri na dati niyang ka-loveteam at na-link din sa kanya pero eventually ay naging friends na lang sila.
“Pass” ang sagot ni Andrea pero may explanation.
“Pass for now, kasi kakabalik lang namin sa isa’t isa sa buhay namin, best friends pa lang kami,” aniya.
Dagdag pa niya, “Pero siguro in the future, ewan ko, I would date him.”
‘Date’ naman ang sagot ni Andrea kay David Licauco pero may paliwanag din siya.
“He’s my type, eh,” pag-amin niya.
“Date lang, ha? Hindi ‘to jojowain, guys, like one date lang,” paliwanag ni Andrea.
Well, mukhang may bagong iba-bash ang BarDa (Barbie Forteza-David) fans dahil sa sinabing ito ni Andrea.
Nasa list din si Jacob Poturnak at “date” rin ang sagot ni Andrea pero may kwento siya tungkol sa gwapong anak na ito ni Ina Raymundo.
“Dati, nagpakilala siya sa akin. I was with Bea kaso ka-holding hands ko ‘yung ex ko no’n. Tapos, at that time, talagang nagpakilala siya, ‘hey I’m Jacob’, ganyan-ganyan. Gwapong-gwapo na ‘ko sa kanya dati pa,” tsika ng aktres.
And take note, nanawagan pa siya kay Jacob.
“Hi, Jacob, if you’re watching I’m single na,” natatawang mensahe ni Andrea sa anak ni Ina.