Andrea

Andrea atat kay Lloydie, kilig kay Bea

July 17, 2021 Ian F. Fariñas 130 views

WALA pa ring balita si Andrea Torres kung totoo ngang magpapareha sila ng idolo niyang si John Lloyd Cruz sa isang sitcom sa Kapuso network, pero ngayon pa lang, excited na siya at looking forward sakaling matuloy ito.

Sa virtual mediacon para sa aktres sa renewal niya ng kontrata sa GMA Artist Center, sinabi ni Andrea na wala pa talagang official na announcement nanggagaling sa GMA management tungkol sa nababalitang proyekto.

Pero happy siya sa news dahil siyempre nga, fan siya ni Lloydie at kung saka-sakali, ngayon pa lang siya nakakasubok na gumawa ng isang sitcom.

At least daw, makikita naman ng audiences ang kakaibang side ni Andrea dahil nga laging drama o paseksi roles ang ginagampanan niya.

Sigurado rin daw siya na marami siyang matututunan kay Lloydie pagdating sa pag-arte.

“Pine-pray ko rin talaga na matuloy,” dagdag ng aktres na, so far, ay malapit nang mapanood bilang tanging Kristiyanong maybahay ni Dennis Trillo sa upcoming Kapuso primetime series na Legal Wives.

Masaya’t gulat din si Andrea na sa panahon ng pandemya, eh, biglang may pagkakataon na silang magkakatrabaho, hindi lang ni Lloydie, kundi maging ng bagong lipat at idolo rin niyang si Bea Alonzo.

Katunayan, kinilig daw si Andrea nang mabalitaan na Kapuso na rin si Bea.

Bukod kina Lloydie at Bea, biggest idol din ng dalaga ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Bata pa raw siya, fan na fan na siya ni Marya. Bagama’t nakasama na si ang huli sa guesting sa Bubble Gang, hindi pa talaga niya nakakaharap nang personal sina Bea at Lloydie.

Dahil super busy sa career, sinabi ni Andrea na super happy ang puso niya ngayon.

“Hiniling ko rin talaga,” paliwanag niya.

Humbling daw sa aktres ang pagre-renew ng kontrata.

“I’ve been doing this for years already but there are still times when I can’t believe it’s all happening. The struggles are still very clear to me. They remind me of how much I wanted this and so I’m always grateful. This is my #1 dream and I just want to relish each moment and make sure I pour my heart out into every opportunity because it wasn’t an easy climb for me. But it sure is worth it.

GMA is taking great care of me on and off cam. I’m constantly challenged with my roles and projects and I am just always excited,” aniya.

Patuloy ni Andrea, “I’m very conscious of the energy I give to people. We spend so much time at work so it’s nice to be that ray of sunshine who is fun to be around and easy to deal with.”

Sa July 26 na magpa-pilot sa GMA Telebabad ang Legal Wives, kung saan maliban kay Dennis, kasama rin sa cast sina Alice Dixson at Bianca Umali.

AUTHOR PROFILE