Default Thumbnail

ANDOK’S CASHIER ‘NALITSON’

July 10, 2023 Jonjon Reyes 269 views

Empleyado nakuryente, tepok

DEAD on arrival ang isang 26-anyos na lalaki matapos makuryente umano sa loob ng pinagtatrabahuang Andok’s Lechon Manok na establishment sa kahabaan ng Jose Abad Santos St,Tondo Manila, Linggo ng gabi.

Ayon kay PSSG Irene Jay Manalili, ng Homicide Section, ang biktima ay residente ng Building 41, Permanent Housing, Barangay 128, Balut, Tondo.

Ayon sa nakasaksi na si Filemon Romero 51,store manager, ng Brgy. 286, Binondo, Manila bandang 7:20 p.m. at kasalukuyang naglilinis sila ng baha sa loob ng kanilang tindahan nang biglang nag brownout.

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik ang kuryente at narinig na lamang ng saksi ang pagsigaw ng biktima sng “MAY GROUND!”

Naramdaman din ng saksi ang kuryente at agad na tumalon sa labas ng nasabing tindahan.

Hindi nakalabas ang biktima at nagtamo ng electric burn.

Agad humingi ng tulong si Romero sa mga barangay officials sa nasabing lugar at mabilis na isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital.

Idineklarang dead on arrival ang biktima dakong 8:01 p.m., ayon kay Dr. Alfred Villanueva.

Ang sanhi ng kamatayan ng biktima ay fatal arrhythmia secondary to electric injury.

AUTHOR PROFILE