WHAT'S NEW

SEE ALL
Andi Larawan at screenshot mula sa Instagram/@andieigengirl

Andi Eigenmann tinawag na ‘Tita’ ng sariling anak

September 11, 2023 People's Tonight 193 views

TAWANG-TAWA ang naging reaksyon ng former actress at social media influencer na si Andi Eigenmann matapos siyang tawaging “Tita Andi” ng kanyang anak na lalaki na si Koa.

Sa kanyang Instagram stories nitong Linggo, Setyembre 10, ibinahagi ni Andi ang isang video nila ng anak kung saan nakaupo si Koa sa kanyang tiyan habang nagkukulitan silang mag-ina.

Tinanong ni Andi ang anak kung ano ang tinawag nito sa kanya bago magsimula ang video.

“Koa, what did you call me? What did you call mama?” tanong ni Andi sa anak.

Agad namang sagot ni Koa ang, “Tita Andi!”

“Why am I ‘Tita Andi’? Is that my name?” pagtatanong muli ng social media influencer.

Pinaliwanagan naman ni Andi si Koa na ang ibig sabihin ng salitang tita ay “auntie” at ang kanyang ngalan ay “Andi” lamang at walang “tita”.

“My name is just ‘Andi’, it doesn’t have ‘tita’. Tita means auntie,” pagpapaliwanag ng aktres sa anak.

Pero nang tanungin muli ni Andi ang anak, ganoon pa rin ang naging sagot nito.

“So what’s mama’s name?” tanong ni Andi.

“Tita Andi,” muling sagot ni Koa.

Si Koa ang bunsong anak ni Andi at ng kanyang asawa na si Philmar Alipayo.

AUTHOR PROFILE