Romnick

Anak nina Romnick at Harlene, ’di priority ang lovelife

December 8, 2023 Vinia Vivar 194 views

Ngayong 18 years old na ang anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta na si Bo Bautista, allowed na siyang magpaligaw at magkaroon ng boyfriend. Pero anang dalaga, hindi ito ang priority niya.

Mas importante sa kanya ang nagsisimulang showbiz career at marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Kamakailan nga ay ni-launch siya bilang isa sa mga talent ng Star Center ng Net25 headed by Eric Quizon.

Kasabay nito, nag-aaral siya.

Basta ang payo lang sa kanya ng parents niya ay huwag magmadali when it comes to love.

“Sabi lang po nila, ‘just take your time and don’t rush, siyempre, kailangan, kilala mo talaga ‘yung tao.’ Especially now na may work din ako ta’s nag-aaral din po ako,” sey ni Bo.

Nakausap namin sandali ang dalaga sa kanyang grand debut party sa Sofitel Hotel last week na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan, relative at siyempre ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang mga magulang at kani-kanilang partner.

Si Romnick, kasama ang current partner at ang kanilang pagka-cute-cute na anak.

Naroroon din ang karelasyon ni Harlene na si Federico Moreno.

Masayang-masaya si Bo na kahit may kanya-kanya nang buhay ang kanyang mom and dad ay nagsama sila sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay.

Okay naman ang set-up ng mga magulang niya at anytime ay pwede niyang makita ang kanyang ama kahit may sarili na itong pamilya.

Asked kung ano ang kanyang birthday wish, anang dalaga, “Sana po, masaya ang lahat ng taong minamahal ko and sana, tumangkad pa ‘ko,” sabay-tawa.

Ano-ano naman ang gusto niyang gawin ngayong 18 na siya?

“Siguro po, gusto ko pong makapag-travel by myself. Like, kahit Hong Kong lang,” sagot niya.

AUTHOR PROFILE