Vilma

Anak nina Luis, Jessy little Miss Vi

October 6, 2023 People's Tonight 261 views

PINANGGIGILAN ng netizens dahil sa hatid nitong cuteness overload si Isabella Rose, anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ibinida ng TV host-actor sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Oktubre 4 ang video at ilang larawan ng kanyang anak na babae na todo ngiti.

“Our new favorite smile of @isabellarosemanzano,” sey ni Luis sa caption ng kanyang post.

Pinusuan naman ng ilang celebrities ang cute na cute na mga larawan ni Isabella.

“My love!” komento ni Jessy sa post tungkol sa anak.

“Grabe ka pagka cuuuuuteeeeeee,” hirit naman ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros.

“Super talo si daddy!” saad ng TV host na si Bianca Gonzalez.

“Sooooo cuuuuute,” pahayag pa ng celebrity mom na si Chesca Kramer.

Samantala pinuna naman ng maraming netizens ang pagiging magkamukha ni Isabella sa kanyang lola at ina ni Luis na si Vilma Santos.

Anila, little Ate Vi raw ang bata mula sa mga larawan.

“Little Miss Vilma talaga! Ke gandang bata!”

“Very Mommy Vilma talaga yung mukha niya.”

“Very momsie vi talaga yung smile ni baby peanut!!!”

“Parang kamukha po sya ng lola V.”

AUTHOR PROFILE