Anak ni Bunny na may rare disease nagtatrabaho sa Disneyworld

April 23, 2022 Aster Amoyo 331 views

Bunny1Bunny2Bunny3Bunny4

WE saw L.A.-based actress Bunny Paras (Sira Bunny Velasco Pribdhas-Shahani-Greenway) on two different occasions in Los Angeles, California. Napagkuwentuhan namin ang kanyang buhay sa Amerika with herfamily, ang kanyang Fil-American husband na si Tom Greenway at apat niyangmga anak including her eldest daughter (by DJ Mo- Mohan Gumatay) na si Moira,now 23 years old.

Moira was seven years old nang dumating sa buhay nilang mag-ina ang kanyang present husband na si Tom at magmula noon ay ito na ang tumayong father figure sa kanyang panganay. When they got married, Tom adopted Moira at ito na ang tumayong ama sa kanyang lumalaking anak infected with a rare disease, ang Friedrich’s ataxia.

Nung early stage ng sakit ni Moira ay hindi ito matukoy ng mga doctor until she was ten years old. Naging matiyaga umano silang mag-asawa sa pag-aalaga sa dalaga although wala pang gamot na nadi-discover para sa sakit na ito except therapy. Tom would always carry her until they decided to get her a wheelchair. Hindi ikinakaila ni Bunny na habang lumalaki si Moira ay lalong lumalala ang sakit nito kaya madalas umano siyang umiiyak at halos mawalan ng pag-asa. But her husband at mga anak kept her afloat. It was in 2002 nang mag-desisyon si Bunny na mag-relocate ng Amerika.

Tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral sa UST ng Management course. For a while ay nagtrabaho umano siya sa Crowne Plaza Hotel in Manila bago siya lumipad patungong Amerika leaving her mother and daughter sa kanyang elder sister, ang aktres na si Sharmaine Arnaiz. After six months ay sumunod na sa kanya sa Amerika ang kanyang mother at si Moira. While in the US, nagtrabaho si Bunny at ang kanyang ina woud take care of her daughter. Ayon kay Bunny, it was also a struggle nung bago pa lamang siya sa Amerika hanggang unti-unti umano siyang nakapag-adjust ng buhay roon.

Twelve years nang kasal si Bunny at si Tom at nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Connor (11), Ariana (8) at Cody (4). Hindi ikinakaila ng dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” na napakalaking blessing sa kanya at sa panganay niyang si Moira ang pagdating sa kanilang buhay ni Tom.

“Ang laki rin ng sakripisyo ni Tom kay Moira not only physically and emotionally but also financially. He never complained since day one ng aming relasyon. He sent my daughter to school, took care of her and even brought her to Disney World in Florida where she’s currently on Disney’s program. She’s working sa isang hotel ng Disney World,” kuwento ni Bunny.

At first, mabigat sa kalooban ni Bunny na payagan ang kanyang panganay na mag-stay in Florida all by herself na malayo sa kanyang pamilya. Pero ito mismo ang gusto ni Moira . She works sa reception and guest services sa All Star Music Hotel in Disney World and stays in a handicapped-accessible place sa loob ng Disney World and so far ay nagi-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Although this is only for a one-year program, natuto si Moira to live independently and earn her own money despite her condition. Bunny’s husband Tom bought her a heavy duty wheelchair kung saan dependent ang dalaga.As to the biological father of Moira na si DJ Mo, very seldom umanong magkita at mag-communicate ang mag-ama. Carbon copy ni DJ Mo ang kanyang panganay na anak kay Bunny.

Donita1DonitaDonita2

Donita in love na naman, gustong makapasok sa Hollywood

ALMOST two years na ring namimirmihan ng Los Angeles, California ang Fil-Am actress-host at former MTV Asia VJ na si Donita Rose. She’s currently working as the corporate research and development chef ng Island Pacific, a Filipino supermarket chain in the U.S. na may 14 na branches in California at tatlo sa Nevada. Ito’y pag-aari ng Filipino-Chinese businessman na si Jefferson ‘Nino’ Lim, husband ng (dating) aktres na si Krista Ranillo. Si Krista ay anak ng mag-asawang Mat Ranillo III at Linda Tupaz at apo ng veteran actress na si Gloria Sevilla na sumakabilang-buhay nung nakaraang April 16 in Oakland, California sa edad na 90. Kasamahan ni Donita sa Island Pacific ang dati ring aktres, host, singer-dancer-model at VJ na si G Tongi (Giselle Anne Tongi-Walters).

Inamin sa amin ng 47-year-old actress-host and former VJ na si Donita Rose that it was not an easy decision for her to move back to California from the Philippines where she spent more than half of her life dahil sa kanyang showbiz career. Pero kailangan niya itong gawin dahil hindi na umano maganda ang takbo ng kanyang career sa Pilipinas and she hardly had TV or movie assignments and she has a 17-year-old son JP (Joshua Paul) to support. Pero sa tulong ng kanyang mom and her younger brother na si Paul Cavett (na minsang nag-showbiz sa Pilipinas), she was convinced na muling mag-relocate sa Amerika where her family is based. Sa loob ng anim na buwan, Donita bonded with her family na matagal na nawalay sa kanya when she focused on her career sa Pilipinas and eventually ay nag-asawa sa Fil-Am na si Eric Villarama. Their son, si Joshua Paul, is now 17 years old. Pero tumagal lamang ng mahigit 12 years ang kanilang pagsasama at ito’y nauwi sa kanilang divorce in December 2016.

It was in 2015 nang magbalik sa Pilipinas si Donita and at that time ay on the rocks na ang kanilang pagsasama ng kanyang husband na meron na noong ibang girl. Although the actress-host and former MTV Asia VJ tried to fix her marriage, hindi na ito nasalba. She was devastated but tried to hold on dahil sa kanyang teen-age son.

It was in the middle of the pandemic in August 2020 nang mag-desisyon si Donita na muling iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas to start anew in America. Nagamit naman niya ang kanyang pagiging chef. She started working in Las Vegas, Nevada until she got an offer from Krista Ranillo’s husband na si Nino Lim for her to work for Island Pacific as corporate chef. But last Tuesday, April 19, inamin sa amin ni Donita na balak niyang kausapin si Nino na gusto niyang on a per project basis na lamang instead of a regular job dahil nahihirapan umano siya.

Inamin din sa amin ng Fil-Am actress na dumaan umano siya sa depression but her strong faith has saved her and she’s slowly picking up the pieces. It was last February this year nang makilala niya ang Filipino singer na si Felson Palad who is ten years her junior. The singer pursued her hanggang maging sila.Ang isa umano sa nagustuhan niya kay Felson ay ang pagiging malapit din nito sa Diyos at ipinakita sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Although she has dated two other guys bago niya nakilala ang singer, kay Felson niya muling natagpuan ang pagmamahal na matagal na naging mailap sa kanya.

Donita Rose is in love again at personal namin itong nakita sa kanya when we met last Tuesday afternoon sa C Salon ni Ericka Caguioa in Long Beach,California kung saan din namin kasama ang dating “That’s Entertainment”member na si Bunny Paras.

Nakilala na ni Felson ang family ni Donita at ipinakilala na rin ng singer ang kanyang nobya sa kanya pamilya. Although bago pa lamang ang relasyon ng dalawa, marami na umano silang plano for their future together.

Samantala, hindi ikinakaila ni Donita that she’s still open to offers in the Philippines but she also wanted to try it out in Hollywood.

AUTHOR PROFILE