Angeline

Anak ni Angeline isinunod sa nakilalang ina

April 29, 2022 Aster Amoyo 588 views

Angeline1

NANGANAK na ang Kapamilya home-grown talent, ang singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang first baby ng live-in non-showbiz partner nung Miyerkules, April 27 ng 10:22 ng gabi.

Boy ang isinilang ng singer-actress na may pangalang Sylvio na isinunod sa kanyang namayapang adoptive (grand) mother na si Sylvia Quinto na mas kilala bilang si Mama Bob (aunt ng kanyang biological father na si Pop Quiros) .

Naniniwala si Angeline na patuloy siyang sinusubaybayan ng kanyang yumaong nanay-nanayan .

Aware si Angeline na gusto siyang ipa-abort noon ng kanyang biological mother na si Rosemarie Susan Mabao na pinigilan ni Mama Bob. Pagkasilang kay Angeline ay si Mama Bob na ang kanyang kinagisnang ina, kaya sobra siyang devastated nang ito’y sumakabilang-buhay nung November 7, 2020 na kasagsagan pa ng Covid-19 sa Pilipinas.

Bossing

Bossing Vic ayaw talaga sa pulitika

HANGGANG ngayon ay hindi pa nagre-report sa studio ng “Eat Bulaga” ang dalawa sa mga poste ng top-rating and longest-running noontime show sa Pilipipinas (at maging sa buong mundo) na sina Vic Sotto at Joey de Leon. Nananatili pa rin silang `work from home’ habang ang mga younger hosts ng programa tulad nina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza at iba pang bagong miyembro ng programa ang nasa loob ng studio.

Kahit sa birthday presentation ni Bossing (Vic Sotto) last Thursday, April 28 ay nasa bahay lang ito kasama ang kanyang wife na si Pauleen Luna (na isa rin sa mga hosts ng programa) at ang anak nilang si Tali. He turned 68.

Samantala, suportado nito ang reelection bid sa pagka-mayor ng Pasig ang anak na si Vico gayundin ang kandidatura sa pagka-Vice-President ng kanyang kapatid na si Tito Sen gayundin ang kanyang mga pamangkin including Quezon City vice-mayor na si Gian Sotto.

Kahit marami ang kumukumbinsi kay Bossing na pasukin ang pulitika ay tinatanggihan niya ito dahil mas kumportable umano siya sa paghahatid ng entertainment sap ubliko sa pamamagitan ng “Eat Bulaga,” pelikula at sitcom.

Ngayong taon ang 50th anniversary ng grupong Tito, Vic and Joey or TVJ habang ang “Eat Bulaga” is now on its 42nd year.

Stephanie itinangging may inggitan silang magkakapatid

ITINANGGI ng isa sa stars ng upcoming movie on Vivamax streaming app na “Doblado” na si Stephanie Raz na may inggitan sa kanilang magkakapatid na sina Angela Morena at Micaela Raz ngayong pare-pareho silang contract talents ng Viva at pare-pareho rin silang nagpapa-seksi. Ayon sa sexy actress, nagsusuportahan umano sila sa isa’t isa.

“Ang tagumpay ng isa sa amin ay tagumpay naming magkakapatid. Naghihilaan kaming pataas hindi pababa,” paliwanag pa niya.

Since pare-parehong estudyante pa sa college ang magkakapatid na Angela, Stephanie at Michaela (na lahat pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena), hindi maiwasang sila’y ma-bash ng kanilang schoolmates pero ang mga ito’y hindi na lamang nila pinapansin at sa halip ay focused umano sila sa kanilang studies at sa paggawa ng pelikula sa Viva.

Ayon kay Stephanie, hiwalay umano ang kanyang trabaho bilang sexy actress sa kanyang personal na pagkatao.

“I am a different character when portraying a role pero in real life ay isa pa rin akong mahiyain,” aniya.

Ang “Doblado” na dinirekni GB Sampedro ay siyang launching movie nina Denise Esteban at ex-PBB housemate-turned actor na si Josef Elizalde. Kasama rin sa movie sina Mark Anthony Fernandez, Kier Legaspi, Mickey Ferriols, Johnny Revilla, Gwen Garci at iba pa at mapapanood on Vivamax streaming app sa darating na May 6.

DeniseDenise1

Launching movie birthday gift kay Denise

MATIPID pang sumagot ang lead star ng sexy-thriller movie na“Doblado” na si Denise Esteban who is turning 20 ngayong May 7.

Grateful ang bagong pagpapantasyahan ng mga kalalakihan dahil pinagkatiwalaan siya ng Viva ng kanyang launching flick.

Magsisilbing birthday offering niya ang “Doblado” dahil palabas ito isang araw before her 20th birthday.

“Hindi naman po ito plinano ng Viva, nataon lamang po,” aniya.

Puwede ba siyang ma-develop sa kanyang co-star dahil sa mga intimate sexy scenes?

“Depende po siguro. Pero para sa akin, iba po ang trabaho sa tunay na buhay,” paliwanag pa niya.

SUBSCRIBE, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE