Angelica

Anak ni Angelica bininyagan na

February 6, 2023 Aster Amoyo 563 views

BININYAGAN na ang almost five months old first baby ng engaged couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Amila Sabine last Saturday, February 4, 2023 na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng Kapamilya actress na siya ring tumayong godparents ng bata.

Amila Sabine was born on September 20, 2022 seven months matapos i-announce ng aktres na siya’ynagdadalang-tao sa first baby nila ni Gregg.

Angelica was already four months pregnant nang mag-propose sa kanya si Gregg sa isang beach resort.

The couple is yet to announce kung kailan ang kanilang kasal.

Samantala, ilan sa mga tumayong godparents ni Amila Sabine ay sina Judy Ann Santos, Anne Curtis, John Prats, Kim Chiu, Bela Padilla, Direk Andoy Ranay, Cherry Pie Picache, Glaiza de Castro at iba pa.

Although hindi ibinahagi nina Angelica at Gregg kung saang church ginanap ang baptism, the reception was held at the Marquis Events Place in BGC.

“Feeling ko grand reunion homecoming tapos yung mga kaklase mo may bitbit ng mga cute na bata,” post ni Glaiza sa kanyang IG account.

“Ang saya ma-witness ang bagong chapter na to ng buhaymo @angelicap, aantayin ko yung bagong rules na magagawa mo as a mom.

Congrats sa inyo ni @gregg_homan jaun! Welcome sa masaya at magulong mundo Amila, pero andito kaming mga ninong at ninang mo para alalayan ka. Kahit pa minsan hindi umaabot sa oras, pero darating para samahan ka. Mahal ka namin. Happy BeanYag,” dagdag na mensahe ng Kapuso actress.

Hindi naman nagpahuli ang Kapamilya actor-director na si John Prats.

“May inaanak na ako sa yo Pets @iamangelicap. Pasensya na at hindi ka muna importante ngayon. Si Bean (palayaw ng bata) talaga ang nagpa-excite sa kin.

Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap. Forever nandio ang pamilya ko para sa inyo! Love you guys!,” pagbabahagi pa ni John sa kanyang Instagram account.

Kasama ni John ang kanyang wife na si Isabel Oli habang si Glaiza naman ay bitbit ang kanyang Irish husband na si David Rainey. Isinama naman ni Anne Curtis ang kanyang almost three-year-old daughter na si Dahlia.

Hindi ikinakaila ni Angelica na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang best role-ever, ang pagiging ina ni Amila Sabine.

Parehong hands-on parents sina Angelica at Gregg sa kanilang first baby.

The actress breastfeeds her baby.

Julia hindi na naiilang kay Diego

Diego

UNANG nagkatrabaho sina Julia Barretto at Diego Loyzaga sa drama-fantasy-romance TV series ng ABS-CBN na “Maribella” nung 2014 kung saan mga pangunahing bituin sina Julia, Enrique Gil at Sam Concepcion at kung saan din kasama sina Dolly de Leon, Mika de la Cruz, Gloria Diaz, Dimples Romana, Mylene Dizon at iba. Pareho pang nasa pangangalaga ng Star Magic noon sina Julia at Diego na ngayon ay pareho nang nasa Viva Artists Agency.

Sa unang pagkakataon ay magsasama sina Julia at Diego sa pelikula na silang dalawa ang mga pangunahing bida, ang romance movie na “Will You Be My Ex?” na pamamahalaan ng award-winning director na si Real Florido na nagdirek ng award-winning movie na “1st Ko si 3rd” na pinarangalan sa London Film Awards at sa Canada International Film Festival.

Ang pelikulang “Will You Be My Ex” ay nagkaroon ng digital press conference last Sunday, February 5 na dinaluhan nina Julia at Diego at ni Direk Real maging ang iba pang members of the cast na sina Bea Binena, Divine Aucina, Benj Manalo, Mickey Ferriols, Ashtine Olviga, Debbie Garcia, Phoemela Barranda at Juan Carlos Galano.

“Hindi na kami magkakailangan ni Diego dahil matagal na kamingmagkaibigan,” pahayag ni Julia na huling napanood sa pelikulang “Expensive Candy” opposite Carlo Aquino mula sa panulat at direksyon ni Jason Laxamana na ipinalabas sa mga sinehan last year.

Natutuwa rin si Julia sa unti-unting pagbangon ng movie industry.

Pops at Ariel hinahanap sa ASAP anniversary

MartinMartin1Martin2

ASAP Natin `To,” the country’s longest-running musical variety show celebrated its 28th anniversary last Sunday, February 5 na nataon din sa 61st birthday celebration ng `Concert King’ at original member ng programa since 1995 na si Martin Nievera (along with his ex-wife na si Pops Fernandez, singer-actor Ariel Rivera and former Miss Universe (1993), ang Puerto Rican nasi Dayanara Torres.

“ASAP” was rebranded at ginawang “ASAP Natin `To” nang pumasok sa programa ang mag-asawang OgieAlcasid at Regine Velasquez.

When Martin temporarily left the show, pumasok si Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla among others na hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng programa na nakatulong sa karera ng maraming singers and performers nang maging bahagi ng show.

May loyal fans ng programa ang umasa na sana’y naging guest man lang daw sana sina Pops at Ariel sa kanilang anniversary celebration.

Juday at Sam magtatambal sa pelikula

SamSam1

IT was in 2013 nang magtambal sina Judy Ann Santos at Sam Milby sa isang serye ng ABS-CBN, ang “Huwag Ka Lang Mawawala” kung saan din tampok sina KC Concepcion, John Estrada at iba.

Tiyak na matutuwa ang mga follower nina Juday at Sam dahil for the first time ay magtatambal ang dalawa sa pelikula na pamamahalaan ng TV and film director at acting coach na si Direk Rahyan Carlos at joint production ng Happy Karga Films at AMP Studios (Canada).

Hindi nagbibigay ng iba pang detalye si Direk Rahyan na may kinalaman sa bagong team-up nina Juday at Sam sa movie.

“Happy Karga Films and Studios Canada’s first film venture for 2023,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account.

“We just finished our pictorial, look test and cam test. Thank you to my lead actors, Judy Ann Santos-Agoncillo & Sam Milby!” dugtong pa ni Direk Rahyan.

Rachel and Migz expecting second baby

RachelRachel1Rachel2

FORMER Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters married politician (from Camarines Sur Miguel `Migz’ Luis Villafuerte in a civil wedding ceremony in July 2021 bago isilang ang kanilang first baby na si Kaia Rose nung October 11, 2021.

The couple was planning to get married in Indonesia much earlier pero hindi na ito natuloy dahil sa pandemic.

Rachel and husband Migz are expecting their second baby.

The Filipino-British former beauty queen is now enjoying her role not only as a wife to her politician husband but as a mother to Kaia na magtu-two years old sa October 11 and her upcoming second baby.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTuber channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE