AiAi

Anak ni Ai Ai nakaligtas sa isang car accident sa L.A.

August 18, 2021 Aster Amoyo 756 views

MILAGRONG nakaligtas ang L.A.-based son ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas na si Shaun Nicolo sa isang car accident. Nabangga siya ng isang hit and miss car sa kanyang likuran na naging sanhi para mahulog ito sa bangin.

“Salamat PANGINOON, salamat mahal na INA MAMA MARY, salamat sa guardian ANGEL RAMONA ni Nicki…salamat sa 911 at mga pulis na tumulong sa anak ko…na hit and run kotse niya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DIYOS walang galos anak ko pero pina-xray pa din sya para malaman naming kung wala siyang internal damage sa katawan niya pero grabe LORD salamat po sa pagligtas sa anak ko…walang hanggang pasasalamat…#maymilagroangbuhay #verythankful#2ndlifeof shaunnicolo,” post ni Ai-Ai sa kanyang Instagram.

Si Shaun ay gitna sa tatlong anak ng Kapuso singer-comedienne at panganay na anak niya sa kanyang ex-husband na si Miguel Vera naka-base na rin sa Los Angeles, California, USA with his family. Ang second son ni Ai-Ai ay sa Amerika nag-aral ng college at doon na rin nagwu-work ngayon. Sa Amerika rin nagtapos ang bunso at kaisa-isang anak na babae ng singer-comedienne na si Sophia but after college ay bumalik na ito ng Pilipinas. Ang panganay ni Ai Ai na si Sancho de las Alas ay regular na napapanood sa top-rating at long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Trailer ng pelikula ni Rhen naka-1M views na

ParalumanMAHIGIT isang milyong views na ang nakuha ng official trailer ng bagong movie na pinagbibidahan ng Viva actress na si Rhen Escano with Jao Mapa as her leading man, ang “Paraluman” mula sa panulat at direksyon ni Yam Laranas. Si Direk Yam ang nasa likod ng maraming pelikula tulad ng “Aurora” ni Anne Curtis, “Nightshift” ni Yam Concepcion, “Death of a Girlfriend” nina AJ Raval at Diego Loyzaga,”Balahibong Pusa,” “Sigaw,” “Hibla,” “The Road,” “Patient X” at iba pa. Ito bale ang second movie ni Rhen sa taong ito matapos ang kanyang hit digital movie na “The Other Wife” na pinagsamahan nila ni Lovi Poe at Joem Bascon na dinirek naman ni Prime Cruz.

Bukod sa “Paraluman” which will be streamed on Vivamax and other digital platforms on September 24, si Rhen ay may dalawa pang pelikula na hindi pa naipalalabas, ang local adaptation ng South Korean movie na “Spellbound” nina Bela Padilla at Marco Gumabao at ang suspense-thriller movie na “Rooftop” na pinamahalaan din ni Direk Yam.

Si Rhen ay kasalukuyang nasa Singapore filming her first international movie directed by a Singaporean director na si Sean Ng with an Indonesian actor as her leading man. Ang pelikula ay binubuo ng isang international cast with Rhen as the only Filipino actor in the cast.

Sa pagbalik ng Pilipinas ni Rhen in late September ay may naghihintay na rin sa kanyang bagong movie project ang Viva Films.

Samantala, tulad dito sa Pilipinas si Rhen at ang kanyang Viva handler na si Kyra ay sumailalim ng 14-day quarantine sa isang hotel in Singapore bago siya nakapagsimula ng shooting sa nasabing bansa. Fully vaccinated na rin ang aktres bago lumipad patungong Singapore.

William gustung-gusto nang makabalik

WilliamPATULOY na umaasa ang dating Close-Up commercial model at matinee idol of the `80s na si William Martinez na muli siyang mabibigyan ng pagkakataong maging aktibo sa showbiz matapos niyang maka-recover sa kanyang mild stroke a couple of years ago.

Si William ay mag-isa na ngayong namumuhay matapos nilang maghiwalay ng kanyang ex-wife, ang actress na si Yayo Aguila kasama ang tatlo sa apat nilang anak. Ang panganay na si Patrizha ay nakabukod na.

Si William ay nakababatang kapatid ng actor na si Albert Martinez.

Bea sinamantala ang pagiging busy ni Alden

CoupleBUWAN pa ng Marso napabalita ang unang tambalan sa pelikula ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo at Kapuso prized actor na si Alden Richards na ipu-produce ng GMA Films, Viva Films at APT Entertainment pero ngayon buwan or next month pa lamang masisimulan ito. Isa sa mga dahilan ay ang lock-in taping ni Alden ng kanyang bagong TV series sa GMA, ang “The World Between Us” na kailangan muna niya tapusin. Nag-take advantage naman si Bea sa panahon na wala siyang ongoing project kaya ito lumipad patungong Amerika with her boyfriend na si Dominic Roque for a month-long vacation.

Gagawin nina Bea at Alden ang Philippine adaptation ng Korean hit movie na “A Moment to Remember” na hango naman sa Japanese hit TV series na “Pure Soul”.

Excited na si Alden sa first team-up nila ni Bea sa pelikula. Ang dalawa ay unang nagkasama sa isang shampoo commercial na kinunan pa sa Bangkok, Thailand bago pa man nagsimula ang pandemic.

Samantala, excited naman ang ibang homegrown Kapuso stars and talents na makatrabaho si Bea in a project.

Mavy and Cassy nag-renew ng kontrata sa GMA

NAG-RENEW ng kontrata with GMA Artist Center ang twins ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy and Cassy Legaspi. Ito’y sinaksihan (via zoom) ng top executives ng GMA maging ng bagong pasok na consultant ng GMA Artist Center, and veteran director at dating head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na si Johnny Manahan. Natutuwa naman ang mag-asawang Carmina at Zoren sa tiwalang ibinibigay ng Kapuso network sa kanilang kambal na priority pa rin ang studies over their showbiz career. Nakikita naman ng mag-asawa ang passion ng kanilang twins pagdating sa kanilang studies at showbiz career na kanilang bina-balanse.

Kylie kinarir ang launching movie

KylieAYON sa Baguio-born and raised former beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa (29), talagang kinarir niya ang kanyang launching movie, ang erotic-thriller na “The Housemaid,” Philippine adaptation ng Korean movie of the same time. Bukod sa ito’y launching movie niya, hindi maiiwasan na malaki ang expectation sa kanya ng mga manonood. Nariyan pa ang pressure na makasama ang batikang actors na sina Albert Martinez at Jaclyn Jose.

“Ayoko ko pong mapahiya,” deklara niya at the virtual press conference for her upcoming movie which will be streamed on Vivamax at iba pang digital platforms tulad ng KTX, iWant TFC at TFC IPTV starting September 10.

Inamin ng 2016 Miss International na pinanood umano niya ang dalawang version ng “The Housemaid” para mapag-aralan ang atake sa character. Tinulungan din siya ng kanyang actor boyfriend na si Jake Cuenca na itinuturing niyang mentor at acting coach, ang director ng pelikula na si Roman Perez Jr. maging ng kanyang mga kasamahan sa movie laluna na sina Albert at Jaclyn.

“It’s an ensemble performance,” pagbabahagi ni Albert na siyang tumatayong leading man ni Kylie in the movie.

Bago simulan ni Kylie ang pelikula ay masinsinan nilang pinag-usapan ni Direk Roman ang kanyang mga limitasyon.

Tuwang-tuwa naman si Kylie nang mapanood niya ang kabuuan ng pelikula na sobra niyang ipinagmamalaki.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YuTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter and TikTok@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE