Kitana

Ana mahal pa rin si Kit pero tuloy ang demanda

April 4, 2022 Aster Amoyo 405 views

MARAMI ang nagsasabi na kailangan umano ng Kapamilya actor na si Kit Thompson mag-seek ng advise to help him handle and manage his anger issues matapos ang recent controversial incident sa isang hotel in Tagaytay kung saan niya sinaktan nang husto ang kanyang girlfriend of four months , ang sexy actress na si Ana Jalandoni.

With the the help of her lawyer, ang sexy actress ay nagsampa ng kaso against his boyfriend for violence against woman, illegal detention at frustrated homicide.

In her recent exclusive interview with the King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang YouTube channel, inamin ng sexy actress na ang kanyang huling encounter with Kit ay pang-apat na beses na palang pananakit sa kanya. The first three incidents ay pinatawad niya dahil sobra niyang mahal ang nobyo. Although early part ng kanilang relasyon ay inamin na umano nito sa kanya na may problema umano ito pagdating sa anger management laluna kapag ito’y nakaka-inom. Dahil mahal niya, inakala ni Ana na matutulungan niya ang nobyo sa unti-unti nitong pagbabago pero ang ikaapat at huling insidente ang pinakamalala nang halos kamuntik na umano siyang patayin nito. Mabuti na lamang at nakuha pa niyang mag-text sa kanyang pamilya at mga kaibigan kaya agad siyang nasaklolohan. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na pagamutan in Tagaytay for treatment habang si Kit ay dinala sa presinto kung saan ito na-detain ng ilang araw pero nakalabas nung March 21 matapos itong makapag-post ng bail.

After the incident happened nung gabi ng March 18 ay hindi pa rin nagsasalita ang actor to air the side of his story.

Sa kabila ng mga nangyari at pagsasampa niya ng kaso laban sa actor, inamin ng sexy actress na mahal pa rin umano niya ang nobyo sa kabila ng kanyang pagiging isang battered girlfriend.

JoelJoel1Joel2Joel4Joel Cruz shares success story

MAG-IISANG taon nang pumanaw ang mahal na ina ng tinaguriang Lord of Scents, ang successful businessman at nag-iisang si Joel Cruz na si Gng. Milagros Martin Santos-Cruz who passed on nung May 23, 2021 sa edad na 92. Pero kapag nauungkat ang kanyang namayapang ina ay hindi nito maiwasan ang mapaiyak dahil sobra niyang mahal ang kanyang ina na siyang tumayong `mother figure’ sa kanyang walong anak (with three twins from a Russian biological mother and four surrogate moms).

Nung nabubuhay pa ang ina ni Joel, nagsabi ito na sana’y mabigyan pa siya ng Diyos ng mas mahabang buhay para makita at masubaybayan umano niya ang paglaki ng kanyang mga apo. Ang grandchildren ng kanyang ina sa kanyang mga kapatid ay malalaki na kaya sobra umano itong naaliw sa kanyang mga batang apo na magiliw sa kanya.

Although malaking bonus na ang pag-abot ng kanyang ina sa edad na 92, sobra pa rin siyang apektado hanggang ngayon sa pagkawala nito sa kanyang buhay at sa anim pa niyang mga kapatid at mga apo.

His mom was a true-blooded Vilmanian and on his 80th birthday, she personally met her idol since Joel can remember. The picture she had with the `Star for all Seasons’ was prominently displayed in her room matapos itong ipa-blow-up at ipa-frame ni Joel. It was a precious moment nang finally makaharap na niya ang kanyang idolo na parati niyang ipinagmamalaki sa kanyang mga nakakausap and even to the members of her family.

“Hindi mo maipaliwanag ang saya at glow sa mukha ng mother ko when she finally met Ate Vi whose late mother was his mother’s namesake, Milagros Santos or Mama Santos to Vi’s friends and supports,” pagbabalik-tanaw ni Joel nang ito’y aming dayuhin sa kanyang mansion in Camp John Hay in Baguio City, ang White House of the Lord of Scents for our exclusive interview with him for our “TicTALK with Aster Amoyo” online show on my YouTube channel.

Joel recently converted his Baguio Mansion into a boutique hotel now accredited by the Department of Tourism. The entire mansion can be rented out for exclusive events or just per room arrangements. Isa rin ito ngayon sa mga tourist attractions in Baguio City na dinarayo hindi lamang ng mga local tourists kundi maging ng mga dayuhan.

Going back to his mom, hindi napigilan ni Joel ang maging emotional sa tuwing sumasagi sa usapan ang kanyang ina.

Inamin ng fragrance tycoon na napakalaki ng impluwensiya sa kanya ng kanyang yumaong parents laluna ang kanyang ina kung saan niya minana ang pagiging isang negosyante. Kinalakihan nilang magkakapatid ang trucking business ng kanilang amang si Dionisio at chairs and tables rental ng kanilang ina.

His mom had always envisioned him to become a doctor kaya kumuha siya ng Psychology course as his pre-med course pero hindi na niya ito natupad dahil na-engganyo na siya sa pagne-negosyo which later on ay natanggap din ng kanyang ina nang maging isa siyang successful businessman.

“If there’s any regret na hindi ko natupad for my mom ay ang pagkakaroon niya ng isang anak na doctor,” ani Joel.

“By my mom had always been very supportive nang magsimula ako ng garment business in 1987. Ginawa kong tahian ng una kong garment business ang aming garahe in Sampaloc (where his Manila mansion in located) with two sewing machines at umabot ito ng 100 machines and moved to a bigger place,” aniya.

Ibinahagi ni Joel na nung siya’y nag-aaral pa sa UST ay nagtitinda-tinda na umano siya ng mga imported items from Hong Kong at mga kaklase, schoolmates and friends ang kanyang mga customers. Dito niya unti-unting na-develop ang kanyang passion sa pagnenegosyo hanggang maisipan niyang magtayo ng sarili niyang garment business. Pero nang magkaroon ng Asian crisis in 1997, bumagsak ang kanyang garment business dahil flooded na ang market ng mga supplies coming from China na sobrang mura kumpara ng mga locally-made products na hindi umano niya kayang tapatan. The garment industry was hardly hit by the crisis at marami ang naapektuhan at nagsara.

At the peak of his garment business, he was already a regular supplier sa maraming kilalang shopping malls but his business folded-up at napilitan siyang lumipad patungong Amerika to try his luck there.

Pero dahil hinahanap-hanap niya ang kanyang buhay sa Pilipinas, after three months ay bumalik siya ng Pilipinas at siya na ang namahala sa trucking business ng kanyang ama. Pero sa kalaunan ay hinahanap pa rin ni Joel ang sarili niyang passion na may kinalaman sa fashion and scents until he met a friend working in Henkel Philippines na nagi-import ng fragrance oils from Germany who encourage him na mag-put up ng sarili niyang fragrance business. Sa tulong ng isang French perfumer, natutunan ni Joel ang mag-concoct ng sarili niyang scents na kanyang pinangalanang AF (for affirmative). Nung may mga produkto na siya, nag-rent siya ng isang maliit ng kiosk sa dating Ever Gotesco in Caloocan na may foot traffic kung saan dagsa ang dumadaan dahil sa MRT station na katabi lang. Kumuha siya ng dalawang sales lady at tumulong siya sa pagtitinda. Doon nagsimula ang humble beginnings ni Joel bilang isang fragrant czar sa Pilipinas . Nang lumaki ang business ay pinalitan na niya ang brand name na AF to Aficionado na isa na ngayong popular brand in the Philippines with stores and distribution hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. He also employs more than 3,000 people including his employees sa kanyang manufacturing business in Meycauyan, Bulacan.’

Bukod sa kanyang mansion in Tagaytay and Baguio City, condomininum units and other properites in the Philippines, Joel has acquired two business establishments in Rialto and Walnut, California and another one in San Marcos, California, USA which will be inaugurated this May 2022.

Ang isang nakakatuwa kay Joel, never niya itago ang kanyang pagiging open gay at sa kanyang journey sa pagiging single parent sa kanyang eight growing-up beautiful and amazing kids.

Sa kabila ng kanyang busy schedule as a successful businessman, he always spend quality time with his kids na sobra niyang naka-bond nung nasagsagan ng pandemya. He also admitted that he is a Covid-19 survivor at nagkaroon din ng Covid ang dalawa sa kanyang mga anak but they all survived. He teaches his children to pray and be closer to God. They pray the rosary together. His week-ends are spent with his kids ang bring along with him sa kanyang mga travels abroad together with their respective nannies and a private nurse and security na muli nilang gagawin next month sa blessing ng kanyang panibagong acquired building in California, USA (near San Diego). This is going to be his first travel abroad with his kids after more than two years dahil sa pandemic.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE