Amy iniyakan ang paglayas ng anak

May 15, 2021 Aster Amoyo 311 views

MAY binata nang anak ng actress, TV host at radio anchor na si Amy Perez na si Adi Perez sa kanyang ex-husband, dating lead vocalist ng South Border na si Brix Ferraris na parang bulang naglaho sa kanyang mag-ina. Dalawa naman ang anak ni Amy sa kanyang second (and present) husband na si Carlo Castillo na pareho ring boys.

Since binata na at tapos na rin sa kanyang pag-aaral ay bumukod na si Adi to leave independently bagay na iniyakan nung umpisa ni Amy being so close to her eldest son na kanyang napalaki without the presence ng kanyang biological father. Pero naunawaan din ni Amy ang naging desisyon ng kanyang panganay na anak. Kaya ang payo ni Amy sa mga magulang na i-nurture ang kanilang mga anak habang maliliit pa at nasa kanila pang poder dahil pagdating ng araw ay magsasarili rin ang mga ito to lead their own lives.

Samantala, nawalan man ng daily morning show si Amy, ang “Umagang Kay Ganda” dahil pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung isang taon at pagdating ng pandemic, araw-araw pa rin siyang napapanood sa telebisyon sa pamamagitan ng noontime show na “It’s Showtime” gayundin sa kanyang teleradyo daily program na “Sakto” with Johnson Manabat at Jeff Canoy.

Si Amy ay pinsan nina Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla.

‘Ang Probinsyano’ na-pack up dahil sa Covid 19

Coco MartinNA-PACKUP ang taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil dalawa sa members ng cast ay nagka-Covid-19.

Gaano man kahigpit ang taping ng nasabing programa dahil dumadaan ang lahat ng involved sa production sa swabbing o RT-PCR test bago and after taping, nakalusot pa rin ang mapamuksang virus. Nangyayari rin ito sa iba’t ibang tapings and shootings.

Bago nagtapos sa ere ang “Bagong Umaga” TV series ilan sa miyembro ng cast ay nagpositibo rin sa Covid-19 at kasama na rito sina Heaven Peralejo, Nikki Valdez, Keempee de Leon at Sunshine Cruz. Maging ang singer-actress na si Angeline Quinto ay nagpositibo rin sa virus sa set ng “Huwag Mangamba”. Nangyari na rin ito sa ilang tapings and shoots ng Viva.

Direk Darryl most prolific writer-director today

WALA na sigurong makatatalo sa millennial writer-director na si Darryl Yap kung paramihan ng proyekto ngayon ang pag-uusapan.

Ayon sa 35-year-old writer-director, 17 materials umano ang kanyang isinumite sa Viva at 11 rito ang kinuha ng kumpanya.

First directorial job ni Direk Darryl sa bakuran ang Viva ang hit launching movie ng singer-actress-comedienne na si Kim Molina in 2019 na “Jowable” na nung 2019. Pagkatapos nito ay kulang na lamang na mabulunan ang batang director sa rami ng sunud-sunod na proyekto na kanyang ginagawa ngayon under Viva Films.

Although hindi pa bukas ang mga sinehan dahil sa pandemic, kahit May pa lamang ay nakagawa na siya ng apat na pelikula sa taong ito at isang rant serye, ang “Kung Puwede Lang” na palabas na sa Vivamax. Sa Vivamax din ipinalabas ang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” maging ang “Tililing” habang nakatakda namang ipalabas on the same streaming app ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” kung saan tampok na mga bituin sina Kim Molina at Jerald Napoles. Tapos na rin niyang gawin ang comeback movie ng megastar na si Sharon Cuneta sa Viva, ang Reverginized” kung saan kasama sina Albert Martinez, Rosanna Roces at Cristina Gonzalez. Ang isa pang movie na tinapos ni Direk Darryl ay ang “Gluta” ni Ella Cruz at kung saan din tampok sina Cristina Gonzalez at Arlene Muhlach. And as if these are not enough, may bago siyang movie project na sisimulan sa buwang ito ng Mayo.

Based in Olongapo City kung saan siya nagsimula in stage writing and directing, Direk Darryl has now penetrated the mainstream cinema.

Dahil sa titulo at tema ng kanyang mga pelikula, sanay nang ma-bash ang batang director bagay na kanya na lamang tinatawanan.

“Dahil sa tiwala ng Viva (Films), nagkaroon ako ng sarili kong sasakyan at nabigyan ko ng kumportableng buhay ang aking pamilya,” pagmamalaki ni Direk Darryl.

First time din niyang naranasang maregaluhan ng Megastar na si Sharon Cuneta ng isang mamahaling Louis Vuitton back pack bag.

Unti-unti na ring nare-realize ni Direk Darryl ang mga actors na gusto niyang maidirek kasama na rito si Sharon Cuneta kung kanino big fan umano ang kanyang ina.

‘Ang Probinsyano’ papalitan ng ‘Batang Quiapo’?

DAHIL may mga `namatay’ nang characters sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan kasama ang character ni Bubbles Paraiso and company, may mga bagong characters na pumasok sa top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” tulad nina Cristina Gonzalez, Christian Vasquez, Simon Ibarra, William Lorenzo, Paulo Angelo, Enzo Pineda at Aya Fernandez.

May mga nagsasabi na hanggang end of May na lamang umano ang nasabing serye pero mukhang mahaba pa ang itatakbo ng serye dahil sa pagpasok ng mga bagong miyembro ng cast.

May lumulutang na balita na ang “Batang Quiapo” umano ni FPJ ang ipapalit ni Coco Martin sa “Ang Probinsiyano” na isa ring maganda at classic material ng yumaong Movie King.

Sandara (o Dara) hindi kinalilimutan ang Pilipinas

Dara ParkFREELANCER na ngayon ang 36-year-old South Korean star at dating member ng K-Pop all girls group na 2NE1 na si Sandara or Dara Park after being represented by YG Entertainment for 17 years.

Dara started her showbiz career in the Philippine nung 2004 nang siya’y maging bahagi ng talent competition na Star Circle Quest ng ABS-CBN. Yun din ang naging simula ng kanilang tambalan ni Hero Angeles. Nakagawa siya ng ilang pelikula, album at singles sa Star Cinema at Star Music both owned by ABS-CBN. Pero umabot lamang ng halos tatlong taon ang showbiz career ni Dara sa Pilipinas matapos siyang lumagda ng kontrata with YG Entertainment ng South Korea in 2007. Taong 2009 naman ang maging bahagi siya ng K-Pop group na 2NE1 which was disbanded in 2016.

Ang maganda kay Dara, never nitong kinalimutan ang Pilipinas at ang kanyang Filipino friends. Fluent pa rin siyang magsalita ng Tagalog and would sneak in sa Pilipinas whenever she wants kasama ang mga kaibigan. Kinukumbinse pa nga si Dara ang mga kababayan sa Korea na bisitahin ang Pilipinas na kinu-consider niyang second home.

Samantala, hindi pa ina-announce ni Dara ang kanyang next move ngayong out na siya sa YG Entertainment sa South Korea.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” ang follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE