Angelica

Amila Sabine, mana ang mata kay Angelica

September 23, 2022 Ian F. Fariñas 761 views

INULAN ng pagbati ang Instagram post kahapon ng bagong mommy na si Angelica Panganiban. Isang close-up picture ng baby nila ni Gregg Homan na si Amila Sabine ang ipinasilip ng aktres sa followers.

Base sa caption ni Angelica, September 20 niya ipinanganak si Amila Sabine.

Sabi pa niya, “Bean waiting for you all my life.”

Isa-isa namang nag-congratulate sa mag-partner na Angelica at Gregg sina Marian Rivera, Kim Chiu, Anne Curtis, Dimples Romana, Jodi Santamaria, KC Concepcion, Janine Gutierrez, Charlene Gonzalez, Neil Arce, Camille Prats at marami pang iba.

Ayon kay Camille, nakuha ni Baby Amila Sabine ang mga mata ni Angelica.

AUTHOR PROFILE