Ariel Inton

Amendment sa parusa sa di pagsuot ng face shield

September 24, 2021 Jun I. Legaspi 397 views

MARIING hinikayat ng commuter at transport groups ang mga local government units (LGUs) na amyendahan ang mga ordinances na nagpaparusa, pagmumulta o detain sa hindi pagsusuot ng face shield.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) matapos sabihin ni President Rodrigo Duterte na hindi na mandatory ang pagsusuot nito sa labas ng bahay.

Ayon sa Presidente ay required na lang ang pagsuot ng face shield sa “closed places, crowded places, at sa lugar na may close contact ang mga tao (CCC).

Ayon kay Inton, may mga policy pa rin na existing ang mandatory wearing ng face shield tulad sa public transportation.

No-face-shield-no-ride pa rin at mga LGUs na na may pinatutupad na ordinances sa mandatory wearing ng faceshield at sa mga violators ay maaring patawan ng multa at detention. Kaya ang iba para sigurado ay nagsusuot na lang ng faceshield kahit saan mapunta.

Nagpaalaala naman and Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) na walang parusang multa o pagkakakulong sa hindi pagsuot ng faces.

Ayon kay Inton ang parusa lamang ay hindi makakapasok sa ilang establishments o hindi makasakay sa public transport ang walang suot nito.

Sana ay ma-amyendahan ng mga naturang LGUs ang kanilang mga faceshield ordinance at ialis na ang pagmumulta o pagkakakulong ng walang suot na faceshield, ani Inton.

AUTHOR PROFILE