BBM1

Ambag ng PAGCOR sa pag-unlad ng bansa kinilala ni PBBM

July 12, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 241 views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging ambag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pag-unlad ng bansa.

Kasabay nito ay hinamon ng Pangulo ang PAGCOR na paigtingin ang kampanya laban sa mga iligal na aktibidad at tiyakin ang pagpapanatili ng pagiging responsable ng mga nasa gaming industry.

“Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is at the front and center in reshaping the gaming landscape with responsible practices, unwavering integrity, and a steadfast commitment to combating illicit activities,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa ika-40 anibersaryo ng PAGCOR.

Kumpiyansa rin ang Pangulo na maganda ang hinaharap ng PAGCOR na makatutulong sa pag-unlad ng bansa partikular sa mga sektor ng turismo, paglikha ng trabaho, at pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.

“May you remain a shining example of what it means to be workers at PAGCOR—individuals who stand firm in their dedication to service, excellence, and integrity, and who are determined to leave their mark not only in the gaming industry, but in our society as a whole,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang kabuuang Contributions to Nation Building (CNB) ng ahensya ay umaabot sa P607 bilyon sa nakalipas na apat na dekada. Ang naibigay naman nitong dibidendo sa gobyerno mula 2011 ay P64 bilyon.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang CNB ng PAGCOR ay P45 bilyon. Target ng ahensya na mapataas ito sa P70 bilyon sa katapusan ng taon.

Ang PAGCOR ay tumutulong sa pagtatayo ng mga silid-aralan, multi-purpose evacuation center, at nagbibigay ng ayuda sa mga tanggapan ng gobyerno at mahihirap na indibidwal.

AUTHOR PROFILE