Amazona ng NPA sumuko sa Ecija PNP bitbit ang baril, granada
CABANATUAN CITY — Isang umano’y dating New People’s Army (NPA) amazon ang boluntaryong sumuko sa pulisya ng Nueva Ecija at nag-turn over ng revolver at hand grenade sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) dito noong Martes ng hapon dito.
Sinabi ni 1st PMFC commander Lt. Col. Cornelio D. Ordanza na ang sumukong dating rebelde na kinilalang si Ka Liza ay dating miyembro ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) na nag-ooperate sa lugar ng Licab, Nueva Ecija.
Lumitaw siya sa opisina ng 1st PMFC dakong alas 2:30 ng hapon bitbit ang isang cal.38 na may tatlong bala at isang granada.
Sinabi ni Ordanza na ang kanyang boluntaryong pagsuko ay bunga ng isang espesyal na operasyon ng paniniktik na pinangunahan ng kanyang tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang yunit ng pulisya at Army.
Itinurn-over na ang granada sa Nueva Ecija Provincial Explosives and Canine Unit para sa kaukulang disposisyon.
Idinagdag ni Ordanza na ang sumukong dating amazon ay sumailalim na sa debriefing sa 1st PMFC kung saan binigyan siya ng NEPPO ng paunang tulong pinansyal at food packs.
Sinabi ni Nueva Ecija police director Col. Richard V. Caballero: “Ipagpapatuloy ng NEPPO ang pagpapatupad ng Executive Order 70 sa lalawigan at gagawing malaya ang Nueva Ecija sa epekto ng NPA. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Police Regional Office 3 director Brig.Gen. Jose S. Hidalgo Jr. upang wakasan ang lokal na terorismo sa rehiyon.”