Maymay

‘Amakabogera,’ confidence song ni Maymay

November 4, 2021 Ian F. Fariñas 463 views

May sagot sa toxic beauty standards si Maymay Entrata sa single niyang Amakabogera mula sa Star Pop.

Ayon kay Maymay, na hinirang ng netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement, tungkol sa self-empowerment ang bago niyang kanta.

“Lahat ng tao parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan. Itong Amakabogera, kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”

Paalala rin niya sa mga makikinig nito na ‘wag pagdudahan at ikumpara ang sarili sa iba.

“Maganda ka, unique ka at malakas ka. ‘Wag mo hayaan na agawin ng mga standard nila ang korona mo.”

Isinulat nina Loriebelle Darunday at Elmar Jan Bolano ang kanta na siya ring nag-compose nito kasama si Justin Ian Catalan.

Hinihikayat ng kanta ang bawat isa na ‘wag matakot maging confident at yakapin ang sarili nilang ganda kahit ano man ang sabihin ng iba.

Bukod sa nakakaindak na beat at matapang na lyrics, maririnig din sa Amakabogera ang galing ni Maymay bilang singer, na nagpapatunay na isang siyang all-rounder na may dynamic na tunog at kakaibang artistry.

Samantala, inilabas na rin ang music video nito noong Biyernes (Oktubre 22) na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas.

Sa ngayon ay meron na itong higit 500,000 views.

Sa Nobyembre 26 naman magaganap ang unang digital concert ni Maymay na Mpowered sa KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV kasama ang mga special guest na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Mimiyuuuh at Nyoy Volante.

May after party ang mga SVIP at VIP ticketholders kasama sina Maymay, DJ Jhai Ho at Edward Barbers.

Pakinggan ang Amakabogera ni Maymay sa iba’t ibang digital music services at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

AUTHOR PROFILE