Crime

Ama tinodas sa harap ng 7-anyos na anak

February 12, 2024 Jonjon Reyes 70 views

PINAGBABARIL at namatay ang 33-anyos na lalaki sa harap ng kayang anak sa Biak na Bato sa Tondo, Maynila noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Mark Jeff Florentino ng 1816 Biak na Bato, Brgy. 294 Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni Police Captain Allan Rosca, hepe ng P. Algue Police Community Precinct, bandang alas-3:30 ng hapon nang sunud-sunod na pagbabarilin ng gunman ang biktima sa harap ng 7-anyos na anak nito.

Batay sa salaysay ng anak ng biktima, kasama niya ang kanyang ama nang may sumulpot na lalaki sakay ng motorsiklo at biglang pagbabarilin ang tatay niya.

Nakasuot ng itim na t-shirt, itim na jacket at itim na sapatos ang suspek.

Tumakas ang suspek patungo sa Jose Abad Santos St. bitbit ang ginamit na baril.

Isinugod sa ospital ang biktima pero namatay din bandang alas-3:59 ng hapon,ayon kay Dra. Kristine Churmacer.

AUTHOR PROFILE