Ama patay sa sunog sa Baseco Compound

October 14, 2021 Francis Naguit 134 views

ISANG ama ng tahanan ang namatay sa sunog at isang anak na babae ang sugatan matapos kapwa makulong sa lumalagablab na apoy sa Baseco Compound, Port Area. Manila, Miyerkules ng gabi.

Ligtas naman ang anak na babae at inoobserbahan sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mag-ama kaya’t hindi muna nila ito isinapubliko ang kanilang mga pangalan.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang 6:44 p.m. nang magsimula ang sunog sa ika 2 palapag na bahay sa Block 15 A Baseco Compound, Port Area, Manila, na sakop ng Brgy. 649, Zone 68, sa District 5,.

Pagma-may-ari umano ng isang Mastora Guimat, at duon nangungupahan ang pamilya ng mag ama.

Nabatid sa imbestigasyon ng Arson Division na-trap ang mag-ama sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto , at sa taranta ng mag ama pumasok ito sa kanilang banyo, kung saan sila na-suffocate.

Nang matagpuan ay wala ng buhay ang ama habang ang kanyang anak ay kaagad na dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Naideklarang under control ang dalawang oras na sunog pagsapit 8:10 ng gabi at idineklarang fire out ng dakong 9:31 ng gabi.

Sa huling ulat ng BFP

Aabot sa 150 pamilya ang nadamay sa sunog, na tumupok sa 100 kabahayan.

Pansamantala namang sa Baseco Evacuation Center ang nasa 194 na pamilya o 672 katao na biktima ng sunog sa Maynila kagabi. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE