Angel

Ama ni Angel, positibo sa Covid-19

September 13, 2021 Vinia Vivar 301 views

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram followers last Sunday night. Nagpositibo sa COVID-19 ang 94-year-old niyang ama na si Angelo Colmenares.

Nag-post ang aktres ng larawan at short clip kung saan ay makikitang nasa ambulansya ang ama.

Sa caption ay ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Angel sa kanyang tatay knowing na wala itong kasama sa ospital lalo pa nga’t may kapansanan ang mata nito.

“It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass,” ang caption ni Angel.

Sa comment section ay nagpahatid naman ng suporta at pagmamahal ang mga kaibigan niya sa industriya kabilang na sina Dimples Romana, Bea Alonzo, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Angeline Quinto, Iza Calzado, Alessandra de Rossi, Ogie Alcasid, Iya Villania at marami pang iba.

JENNYLYN, PROUD KAY DENNIS

Proud na proud si Jennylyn Mercado sa boyfriend na si Dennis Trillo na lumipad sa Italy para dumalo sa sa 78th Venice International Film Festival kung saan nga ay isa sa competing films ang pelikula niyang On The Job: The Missing 8 directed by Erik Matti.

Sunud-sunod ang posts ni Dennis sa IG ng kanyang proud moments at the festival kabilang na nga ang mga papuring natanggap niya mula sa award-winning actress na si Cynthia Erivo, direktor ng Parasite na si Bong Joon-ho at German director Alexander Nanau para sa kanyang performance sa OTJ: The Missing 8.

Ipinost din ni Dennis ang larawan nila ni Bong Joon Ho at ang pagpirma nito sa kanyang Parasite book. Nakakatuwa na “Tito Bong” ang tawag niya sa direktor.

“Labyu tito Bong! Thank you for signing my book,” caption ni Dennis.

Sa isang post ni Dennis na larawan niya kasama ang mga jury, ay nagbigay ng kanyang pagbati si Jen.

“Congratulations my love,” mensahe niya sa boyfriend.

Ang sweet naman ng sagot ni Dennis. “Thank you mahal ko, i wish you were here, miss na miss na kita,” aniya at nilagyan pa ng crying face emoji.

Sa kanyang Instagram Story ay nirepost ni Jen ang isang post ni Dennis at nilagyan niya ito ng caption na “You make me so proud. I love you.”

Samantala, habang nasa Italy si Dennis ay abala naman si Jen sa lock-in taping ng bago niyang series sa GMA, ang Love, Die, Repeat with Xian Lim.

AUTHOR PROFILE