Ama, nahulog sa ika-4 palapag ng condo sa Sta. Mesa
NAGING palaisipan ng mga awtoridad ng Manila Police District (MPD) kung sadyang tumalon o itinulak ang isang 46-anyos na call center agent at haligi ng tahanan nang matagpuang ito sa ground floor ng isang condominium sa Anonas Street sa Sta. Mesa Maynila, madaling araw nitong Martes.
Batay sa ulat ni P/Lt. Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, pasado ala 1:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tabi ng condo sa nasabing lugar.
Agad naman isinugod sa pinakamalapit na hospital ang biktima subalit pasado alas 2:00 ng madaling araw ng itawag naman ng Our Lady of Lourdes Hospital ang nasabing insidente sa pagkamatay ng biktima.
Nagtungo sa naturang pagamutan si Det. Jason Ibasco at nadatnan nito ang mga kaanak ng biktima at ang rumespondeng police na si P/Cpl. Jeffrey Quimpalong na inatasan ni P/Lt. Col. Dionelle Brannon, station commander ng MPD Sta. Mesa Police Station 8 upang imbestigahan ang naturang insidente.
Gayunman, ayon sa pulisya isasailalim ito sa resulta ng awtopsiya sa St. Peter Mogue sa Quezon Avenue sa Quezon City kung may naganap na foul play sa biktima.