Bigti

Ama na may 3 anak nagbigti sa Father’s Day

June 18, 2023 Jonjon Reyes 597 views

NAPAGSABIHAN ko lang siya dahil palagi na lang siyang nag iinom ng alak.”

Ito ang pahayag ng isang misis matapos makitang nakabigti sa loob ng kanilang silid ang kanyang mister sa Madrid Street, Tondo, Manila umaga nitong linggo.

Walang trabaho at mat tatlong anak ang nasabing lalaki.

Base sa ulat ni Det. John Kelvin Zuñiga na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 8:30 a.m. nang madiskubreng nakabigti ang lalaki sa kanilang kuwarto sa ika-2 palapag.

Agad humingi ng tulong ang misis ng biktima sa kanyang mga kasamahan sa bahay at mabilis nila itong isinugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Dakong 9:15 a.m. nang ideklarang dead on arrival ang lalaki ni Dr.Kristine Plazo, attending Physician ng nasabing ospital.

Kuwento ng maybahay ng biktima na isang vendor, malimit na uminom ng alak ang kanyang mister at napagsabihan niya ito.

Ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE