Kinakausap ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na naaresto sa entrapment ng mga NBI operatives sa Brgy. Pag-asa, Quezon City. Kuha ni JonJon Reyes
Ama binebenta 11-buwan anak online ng P55,000
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang ama na naaresto sa aktong nagbebenta ng 11-buwan niyang anak sa halagang P55,000.
Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa entrapment ng mga ahente ng Special Task Force (STF) ng NBI.
Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong natanggap ng NBI-STF na si Crisologo sangkot sa pagbebenta ng sariling anak sa online.
Nagsagawa ang mga operatiba ang NBI-STF sa Brgy. Pag-asa, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip kay Crisologo.
Dinala ang sanggol sa Social Services Development Department ng Quezon City.