Alvarado inendorso ng UniTeam ni BBM sa Bulacan

April 23, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 76 views

PORMAL na inindorso ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kandidatura nina Bulacan gubernatorial bet Willy Sy-Alvarado at vice gubernatorial candidate Jonjon Mendoza dahil sa kanilang taglay na husay sa pamumuno.

Itinaas ni Marcos Jr. ang mga kamay nina Alvarado at Mendoza sa isang okasyong idinaos sa headquarters ng UniTeam sa Mandaluyong City kamakailan.

Sinabi ni Alvarado, vice governor ng lalawigan, na ang kaalaman, kakayahan at karanasan ang muling magbabangon sa Bulacan na pinadapa ng umiiral na pandemya.

Bukod sa pag-endorso ng UniTeam, nakamit din ni Alvarado ang suporta at pag-endorso ng vote-rich City ng San Jose Del Monte at malalaking bayan na kinabibilangan ng San Miguel, Baliuag, Sta. Maria, Marilao, Meycauayan at iba pa.

Muli niyang itutulak ang pitong puntong programang pangkaunlaran na naghatid sa lalawigan sa kapayapaan at kaunlaran ng gobernador siya ng na kinabibilangan ng kalusugan, edukasyon, pangkalikasan, mapanagutang pamamahala, kabuhayan, kapayapaan at kultura.

AUTHOR PROFILE