Alpha Pinangunahan ng mga opisyales ng Alpha Insurance ang pamamahagi ng pamaskong handog para sa mga mahihirap na residente ng Intramuros sa koordinasyon ng bagong Parish Pastoral Council President na si Joey Balerite Lat.

Alpha Insurance namahagi ng pamasko sa Intramuros

December 22, 2022 Jonjon Reyes 612 views

MASAYANG namahagi ng groceries at pagkain ang Alpha Insurance and Surety Company, Inc. para sa mga mahihirap na pamilya sa Intramuros, Lungsod ng Maynila.

Nagmistulang “Santa Claus” ang mga opisyales ng nasabing insurance firm sa mga bata na binigyan ng mga laruan, pagkain, at aginaldong pera.

Ang outreach program ay ginanap Huwebes sa Barangay 654, Intramuros at sa paggabay ni Bgy. Chairman Salvador Fuentes at nagkaroon din ng mga palaro na may kalakip na premyo na labis na ikinasaya ng mga bata.

Pinangunahan ng mga opisyales ng Alpha Insurance na sina EVP Romy Bernabe, SVP Pasky Carbero, VP Daniel Soan, VP Beth Bautista, VP Rodel Deveche, Asst. VP Malou Sanchez, Senior Manager Fe Asuncion, at Manager Myra Manalaysay ang pamamahagi ng pamaskong handog para sa mga mahihirap ng barangay.

Naging matagumpay ang programa sa koordinasyon na ipinamalas ng bagong Parish Pastoral Council President na si Joey Balerite Lat.

AUTHOR PROFILE